Thursday, June 25, 2020

Pagkawala Dati Ni Carmina Villaroel Sa ‘Palibhasa Lalake’, May Kinalaman Kay Rustom Padilla!



Kung matatnadaan, naging bahagi ang aktres na si Carmina Villaroel sa sikat na 90’s sitcom na Palibhasa Lalake. Namayagpag sa telebisyon ang programang ito mula taong 1987 hanggang 1998.

Bahagi ng programa sina Joey Marquez, Miguel Rodriguez, John Estrada, Anjo Yllana, at Richard Gomez na gumanap bilang nakatatandandang kapatid ni Carmina sa sitcom.

Ngunit, hindi rin gaanong nagtagal ay nawala rin sa programa si Carmina.

Ang itinuturo umanong dahilan ng pangyayaring ito ay may kinalaman  sa boyfriend at naging asawa noon ni Carmina na si Rustom Padilla.

Sa isang panayam noon kay Carmina taong 2014, ikinwento nito ang dahilan ng kanyang pag-alis sa programa.

             Photo credit to Jeepney TV

“That time, medyo serious na iyong tampuhan.

“Actually, kung ako lang talaga ang masusunod, tampo, but mapapatawad ko. But since may ibang taong involved, I had to choose between them [and my boyfriend],” ani pa nito.

Ang tinutukoy rito ni Carmina ay ang naging tampuhan umano sa pagitan niya at ng iba pang cast na sina Richard, Anjo, at John.

Nagsimula manong magbitiw ng mga pahayag ang tatlo tungkol sa relasyon ni Carmina dati kay Rustom.

Maliban dito, mayroon din talaga umanong namamagitan na tensyon kina Anjo at sa mga Padilla.

Lumaki umano ang naging tampuhan sa pagitan nila kaya naman kinailangan nang magdesisyon ng management dahil naapektuhan na nito ang sitcom. Dito umano napagdesiyunan ng programa na bitawan nalang si Carmina.

             Photo credit to Jeepney TV

“They also made a choice to let me go because lumaki na, e. Lumaki na hindi na siya yung parang internal problem. Oo, national issue na, e!
“It was just so sad that I had to leave, and, obviously, I chose the other one kaysa doon sa show,” ani pa nito.

Naging masakit umano kay Cramina nag desisyong iyon na iwan ang prorama. Ito rin umano kasi ang kanyang unang TV show noon.
“Siyempre, parang sad lang. It was my first TV show in ABS ‘tapos family pa, sitcom pa, ‘tapos I had to leave…
“Iyak ako ng iyak, hindi ako makapag-move on. Na-hurt pero iyong hurt bilang pamilya, ha."Hindi bilang kaibigan because… basta nararamdaman ko iyong pagmamahal nila, e…

“May magulang na kailangan to be firm with your kid kahit nasasaktan, tough love.Parang ganun iyong sa kanila,” dagdag pa nito.

             Photo credit to Jeepney TV

Ngunit, nang magtapos na ang ‘Palibhasa Lalake’ noong taong 1998, matagal na umanong naayos ang nagyaring tampuhan sa pagitan nito at ng mga lalaking cast. Sa katunayan, naging guest pa nga uli sa programa si Carmina.

Isang taon matapos ang pag-alis ni Carmina sa naturang sitcom ay nagpakasal ito sa boyfriend na si Rustom Padilla. Ngunit, makalipas ang dalawang taon, taong 1996 ay naghiwalay rin ang dalawa .

Taong 2006 naman nang tuluyang ilahad ni Rustom ang tungkol sa kasarian nito sa TV show na Pinoy Big Brother: Celebrity Edition.

Matapos nito, nagpalit ng pangalan ang aktor at naging BB Gandanghari.

Kamakailan lang din isiniwalat ni BB na alam umano ni Carmina ang plano dati ni Rustom na ihayag ang totoong sarili sa PBB.

             Photo credit to Jeepney TV

Katulong ang mga kaibigan na sina Gelli de Belen at Candy Pangilinan, nagkaroon ng isang dinner date sina Rustom at Carmina. Ayon kay Rustom, inihayag umano dito ni Carmina ang pagsuporta sa desisyon ni Rustom.

“Nandoon kami ni Carmina sa isang side, at doon nag-out si Rustom kay Carmina.
“Kaya bago pa ang Pinoy Big Brother, bago pa ang lahat, nag-out si Rustom kay Carmina.
“Bakit ginawa ni Rustom iyon? Bilang respeto.

“Gusto niyang iparating kay Carmina na hindi nagbabago yung pagmamahal na ibinigay sa kanya ni Rustom, kung naramdaman man niya iyon.Gusto rin niyang makita iyong acceptance ni Carmina, siguro, at the back of his head,” kwento pa ni BB.
Panoorin ng buo ang video dito!


Source: PEP
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment