Monday, June 29, 2020

Vice Ganda, Humingi Ng Saklolo Kay Isko Moreno, Alamin Dito!


Kaugnay ng naganap na pagkakaaretso ng 20 indibidwal kung saan karamihan ay kasapi ng LGBTQIA+ community, humihingi ng saklolo ang kilalang komedyante at kasapi ng LGBTQIA+ community na si Vice Ganda.

Si Jose Mari Viceral, o mas kilala ng lahat sa Vice Ganda ay nakiisa rin sa kampanya na komukondena sa pagkakahuli ng 20 tao sa ginanap na #PRIDE march nitong Biyernes, ika-26 ng Hunyo.

Sa isang twitter post, humihingi ng paliwanag ang komedyante sa pag-arestong nangyari. Matapang din nitong isinaad ang paghingi ng saklolo sa alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno upang palayain na ang 20 inaresto.

Saad ni Vice sa kanyang tweet,

“Anu tooooooooo????? Pakiexplain po? Saklolo naman po dyan Yorme!!!! Sa aking pagkakaalam LGBTQIA+ friendly ang Maynila at si Yorme. Beke nemeenn!!!”


Pag-uulit pa nito sa paghingi ng tulong kay Mayor Isko,

“Saklolo Yorme @IskoMoreno !!!!”

Sa pagiriwang ng #PRIDE month, nagsagawa ng rally at protesta ang mga kasapi at ka-alyansa ng LGBTQIA+ community sa Mendiola, Maynila.

Maliban sa taunang selebrasyon ng #PRIDE month, ang protesta na kanilang idinaos ay naglalayon din na ipaabot ang kanilang pagtutol sa Anti-Terror Bill at pagkondena sa iba pang mga hindi magandang gawain ng gobyerno.

Tiniyak umano ng mga ito na kahit nagpoprotesta ay sinunod nila ang mga nararapat katulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.


Ngunit, nagulat na lamang umano ang mga ito nang dumating ang riot police at pinaghuhuli silang mga nagpoprotesta.

Giit pa nila, hinuli umano sila ng naturang mga pulis nang walang maisagot na dahilan kung bakit sila hinuhuli.

“Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang nilabag namin,” saad pa ng isa sa mga hinuli sa nangyaring protesta.

Hindi lamang si Vice Ganda ang matapang na celebrity na nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa nangyaring pag-aaresto.

Maging ang Miss Universe 2018 na si Catriona Gray ay naglabas din ng pahayag kung saan, kagaya ni Vice Ganda ay kinekwestyon niya rin ang nangyaring panghuhuli ng mga pulis.


Heto ang kaniyang naging pahayag,

“Is this the new normal? Earlier today a peaceful #PRIDE rally held in Manila where mask wearing participants practicing social distancing were met by police in riot gear and arrested. When questioned by the witnesses and media about the reason or violations for arrest, the police gave no response.

“If proper health guidelines were being followed, (social distancing, mask wearing) why the use of force? Why the withholding of rights (witnesses said they were not read their miranda rights before arrest nor given reason of arrest)? Videos circulating online confirm this.

“We have the right to raise our voice. Pride, since the beginning has been a protest. Now is the time to speak up. #FREEPRIDE20 #PRIDE2020”


Ang nasabing 20 indibidwal na hinuli ng kapulisan ay nasa kustodiya umano ngayon ng Manila City Police. Iginiit naman ng mga ito ang paglabag na ginawa ng mga raliyista tulad ng kawalan umano ng permit at iba pa.

Ayon sa mga ulat, nakatakda na rin umanong sampahan ng reklamo ang mga ito.


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment