Saturday, July 25, 2020

34 Magulang sa Metro Manila, Arestado Matapos ang Paglabag ng Kanilang mga Anak sa Quarantine Protocols


Noong nakaraang mga linggo ng Hulyo, 34 ‘iresponsableng’ mga magulang sa Maynila ang umano’y hinuli ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag umano ng kanilang mga anak sa Quarantine Protocols ng lungsod.

Ayon sa isang ulat, ang naturang mga magulang ay naaresto umano sa mga barangay na ito: 50, 51, 52, 53, 55, 56, 61, 221, 228. Ayon din ito sa mismong MPD at Manila Department of Social Welfare.

Ang naturang pag-aresto ay inilunsad matapos umano ang inilabas na paalala ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso tungkol sa mga magulang na pinapabayaan ang kanilang mga anak na lumabag sa ipinapatupad niyang mga polisiya ngayong panahon na mayroong pandemya.

Ayon kay Mayor Isko, ang hindi umano pagdidisiplina ng mga magulang sa kanilang mga anak na sumunod sa Quarantine Protocols ng Maynila ay isang paglabag sa Anti-Child Endangerment Act.


Hindi umano biro ang mga ipinapatupad na mga patakaran ng Maynila upang maging ligtas ito sa COVID-19 kaya naman napaka-importante na sundin ito ng lahat.

Dahil dito, upang mapanatli ang kaayusan at kaligtasan ng marami, ayaw man umano nilang paghiwalayin ang mga magulang sa kanilang mga anak ay kailangan nilang aksyunan ang problema ng paglabag ng maraming mga kabataan sa mga Quarantine Protocols.

Ilan nga sa mga kadalasang paglabag umano ng mga kabataan ay ang paglabas ng bahay nang walang suot na face mask at ang paglabag sa ipinapatupad na curfew. Ang malungkot pa dito, ang ilan umano sa mga paglabag na ito ay pinapayagan pa umano ng mga magulang ng naturang mga bata.

“Kailangan matuto ang mga magulang na disiplinahin ang kanilang mga anak. I have to bite the bullet, I have to implement the law to keep the order in Manila.


“We’re not happy about it. I am not happy. I don’t want to separate children and parents. But I will do that if you’re irresponsible parents…

“I will intervene as a government to take care of our children or minors. That is also the job of the government… to intervene,” saad pa nga ni Mayor Isko tungkol dito.

Wala umanong ibang mapagpipilian ang kanilang pamahalaan kundi ang mamagitan sa naturang mga magulang na hindi dinidisiplina ang kanilang mga anak.

Kaugnay nito, ayon sa ulat, ang naturang mga magulang na naaresto ay haharap umano sa mga kaso ng paglabag sa City Ordinance No. 8243 at ang Anti-Child Endangerment Act.


Maliban dito, ayon sa mga balita ay marami pa rin umano sa Maynila ang hindi sumusunod sa mga pangunahing paalala upang makaiwas sa COVID-19 katulad na lamang ng papapatupad sa social distancing at tamang pagsusuot ng face mask.

Dahil dito, maliban sa hakbang na pag-aresto sa mga magulang na naging iresponsable sa kanilang mga anak, ipinag-utos na rin umano ni Mayor Isko kay MPD chief Police Brigadier General Rolando Miranda at sa iba pang naatasan sa pagpapatupad ng Quarantine Protocols na palawakin pa at mas maging strikto sa pagpapatupad ng mga protocols sa pag-iingat laban sa pandemya.

Source:  facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment