Saturday, July 25, 2020

Mga Damit dati ni Andi Eigenmann, Ipinapasuot nito Ngayon sa Kanyang Mga Anak; Mga Netizens, Muling Humanga!


Isa na ngang inpirasyon na maituturing si Andi Eigenmann dahil sa makailang beses na pinabilib at hinangaan ito ng mga tao. Hindi maiwasan ng marami na humanga sa aktres dahil sa pagiging praktikal nito at pagyakap sa simpleng pamumuhay na malayong-malayo sa kanyang nakagisnan.

Kamakailan lang, muli na namang nakuha ni Andi ang atensyon ng maraming mga netizen dahil sa pagiging praktikal umano ng aktres. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Andi ng ilang mga bagay tungkol sa kanya at sa kanyang mga anak na sina Ellie at Lilo.

Ayon kay Andi, natuklasan umano nito na kasya na kay Ellie ang ilan sa kanyang mga damit kahit na ito’y walong taong gulang pa lamang. Sa kabilang banda, nasusuot na din umano ngayon ni Lilo ang mga reusable diapers na nagamit pa ni Andi noong ito’y baby pa.

Kaya naman, nagpapasalamat umano si Andy na naitago at maayos pa ang mga damit niyang ito sa pagkabata dahil nagagamit niya itong muli sa kanyang mga anak.


“We have been going ukay- ukay on eachother’s wardrobes lately! While I just got a bunch of the comfiest sleeping shirts from my brother, Ellie discovered that a lot of my clothes (that I still love btw) are starting to fit her. She’s only 8 you guyss!

“Lilo on the otherhand, is wearing reusable diapers from the 90’s. They used to be mine! Glad nanay kept a bunch of my old baby clothes to pass on to my kids. Also glad-er that they are still in style,” kwento pa ni Andi.

Maliban sa pagiging isang praktikal na gawain, nakakatulong rin umano ang paggamit nina Ellie at Lilo ng kanyang mga pinaglumaang damit sa pag-aalaga ng kalikasan. Bagay na ikinatuwa naman ni Andi.

Ayon kay Andi, bagama’t mayroon itong malasakit sa kalikasan, aminado umano ito na nahirapan siyang bitawan ang pagtangkilik sa mga usong pananamit. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na lumaki si Andi sa isang marangyang pamumuhay.



Ngunit, sa pagyakap nito sa simpleng pamumuhay, paunti-unti ay natutunan na rin ni Andi ang maging praktikal sa maraming bagay gaya ng pananamit. Saad pa nito,

“Admittedly, as eco- conscious as I have been, supporting fast fashion, to me, was always the hardest to let go of. So that little activity of ours was such a wonderful thing for us to try…

“Remember that it’s always better to contribute even something so little than doing nothing at all. One can be doing their best yet still not succeed in doing it completely, AND THAT’S OK.”

Dahil dito, hinangaan at umani na naman si Andi ng maraming mga papuri at paghanga galing sa mga netizen. Marami ang natuwa sa ibinahaging ito ni Andi at ginawa itong inspirasyon.


Naninirahan ngayon si Andi sa isla ng Siargao kasama ang kanyang karelasyon na si Philmar Alipayo at ang kanilang anak na si Lilo o Keliana Alohi Eigenmann Alipayo. Iniwan ni Andi ang kanyang nakagisnan na marangyang pamumuhay sa Maynila upang manirahan sa tabi ng dalampasigan sa Siargao.

Sa simpleng pamumuhay ngayon ng aktres, marami ang humahanga dito dahil sa totoong kasiyahan na makikita ngayon kay Andi.

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment