Friday, July 10, 2020

Agot Isidro, May Pasaring Sa Pagpo-post Ni Jinkee Pacquiao Ng Mga Mamahalin Nitong Bisikleta Sa Social Media


Naging trending topic sa twitter sina Jinkee Pacquiao at Agot Isidro nitong ika-9 ng Hulyo.

Ito ay matapos maglabas ng hinaing at opinyon ang aktres na si Agot tungkol umano sa pagbabahagi ni Jinkee ng mga larawan ng kanyang mamahaling mga bisikleta sa social media.

Base sa inilabas na pahayag ni Agot, hindi nito nagustuhan ang pagpo-post ni Jinkee ng kanyang Hermes at Loius Vuitton na bisikleta sa Instagram.

Ayon kay Agot, ‘insensitive’ umano ang ginawa ni Jinkee sa panahon ngayon na marami ang naghihirap at nagugutom. Maliban dito, may iniwan pang pasaring si Agot kay Jinkee sa ginawa niyang iyon. Gumamit ito ng hashtag na ‘nouveua’ na ang ibig umanong sabihin ay ‘to describe people who only got their wealth within their own generation and not from inheritance’.

Heto ang kanyang naging buong pahayag na ibinahagi:


“Alam namin na marami kayong pera. At kung ano ang gusto ninyong gawin sa pera na yun, wala kaming pakialam.

“Pero marami rin ang walang trabaho at nagkukumahog humanap ng pera para may pakain sa kanilang pamilya. Puede ba, konting sensitivity man lang? #nouveau”

Ayon sa mga ulat, ang bisikletang Hermes na ibinahagi ni Jinkee ay nagakakahalaga umano ng  $10,750 o katumbas ng P531,000 habang ang isang bisikleta naman na Louis Vuitton ay maaaring nagkakahalaga ng $18,000 o katumbas ng humigit-kumulang P890,000.

Labis naman na pinag-usapan sa twitter ang naturang pahayag ni Agot tungkol kay Jinkee. Naglabas na rin ng mga opinyon ang mga netizen tungkol dito kung saan, kanya-kanya na ring panig ang mga ito sa dalawa.

Ngunit, mas marami umano ang hindi nagustuhan ang ginawang iyon ni Agot at kumampi sa panig ni Jinkee.


Depensa ng mga ito, pinaghirapan umano ni Jinkee at ng asawa nito ang yaman na mayroon sila ngayon kaya naman walang masama sa ginawang iyon ni Jinkee lalo na’t wala naman itong tinatapakang tao.

Dagdag pa ng iba, hindi na rin umano matutumbasan ang tulong na ibinahagi ng mga Pacquiao sa mga mahihirap at nangangailangan nitong panahon ng pandemya at kahit wala pa man umano ito.

Heto ang ilan sa mga pahayag na ibinahagi ng mga netizen tungkol dito:

“Idk to you... but Jinkee, showing off their wealthy and happy family doesn't make me feel uncomfortable at all. Her family deserves it. Maybe there are just people in this society that just can't handle that. Idk. Is that what you call "insecurity"? Hate? Idk actually… ”

“There’s nothing wrong about others posting stuff on social media. It depends if someone views it with envy.”


“For people who came from poverty and I supposed hindi ka isa sknla coz you have been (if not rich) well sustained since childhood, kaligayahan na ang magkaron ng ganyan. And she is not even bragging. Gusto nya ipost yan kase maganda sa feed at paningin ng tao…

“If you cant take it, baka ikaw ang may problema. And for those who were commenting like she has no class, you think commenting like that made u all classy? SMH.”

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment