Dahil sa nakapalibot na mga isyu tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN, maraming mga haka-haka na ang mga artista umano ng Kapamilya network ay nagpaplano nang lumipat sa kabilang channel.
Ito ay matapos mapahinto ng NTC (National Telecommunications Commisision) ang operasyon ng ABS-CBN dahil sa problema sa renewal ng prangkisa nito. Bagama’t kamakailan lang ay muling nakabalik ang ilang programa ng ABS-CBN sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, muli na naman itong napahinto.
Kaya naman, maugong ngayon ang balita na ang mga artista umano ng naturang network ay lilipat na lamang sa GMA.
Isa umano sa mga ito ang aktres na si Julia Montes. Kagaya ng ilan pang mga artista ng Kapamilya, apektado rin ang aktres sa pagsasara at walang kasiguraduhang prangkisa ng network.
Kakabalik lamang ni Julia sa telebisyon matapos ang ilang buwan nitong pagkawala sa sa showbiz ngunit, agad na naapektuan ang programa nito ng pandemya at ng isyu ng franchise renewal ng ABS-CBN.
Dahil dito, ayon sa mga ulat ay lilipat na umano si Julia sa GMA at nakikipagkontratahan na umano ito sa naturang network. Nakikipag-negosasyon na umano ang talent agency ng aktres sa kabilang network para sa umano’y paglipat ni Julia.
Wala namang pahayag na inilabas si Julia tungkol sa naturang agam-agam.
Ngunit, mayroong inilabas na pahayag ang handler ng aktres tungkol sa umano’y isyu ng paglipat ng network ni Julia. Ayon umano sa handler ng aktres, hindi umano totoo ang naturang balita.
Mariin nitong pinabulaanan ang naturang isyu at sinabing walang anumang planong ganoon si Julia. Dagdag pa nito, sila man umano ay walang kaalam-alam na mayroon pa lang ganoong isyu na kumakalat.
Pahayag pa umano ng handler ni Julia na si Mac Merla ayon sa isang ulat ng pahayagang Inquirer Bandera,
“Buti pa sila alam nila. Ako, kausap ko lang si Julia kani-kanina lang wala kaming kaalam-alam… Wala rin kaming napag-uusapan tungkol sa paglipat ni Julia.”
Tungkol naman sa kasalukuyang proyekto ni Julia sa ABS-CBN na ‘24/7’ kung saan kasama nito si Arjo Atayde, wala pa umanong alam ang mga ito kung tuluyan na rin ba itong tatapusin ng ABS-CBN.
“Hindi ko lang sure if shelved na talaga. Ang alam ko postponed muna ang taping dahil nga sa mga nangyayari,” dagdag pang pahayag ng handler ni Julia.
Hindi lamang ang talent manager ni Julia ang mayroong ibinahaging pahayag kaugnay ng naturang isyu. Maging ang talent company ng aktres na Cornerstone Entertainment ay nagpahayag din na wala umanong plano si Julia na lumipat ng network.
Sa katunayan, hindi lamang nagsalita ang talent company para kay Julia kundi para na rin sa iba pa nilang mga talent na lahat ay nasa ABS-CBN.
Ayon umano sa Presidente at CEO ng Cornerstone Entertainment na si Erickson Raymundo, lahat ng mga artista o talent sa ilalim ng kanyang kompanya ay mananatili sa ABS-CBN.
Wala umano itong nakikitang dahilan upang lumipat si Julia at ang iba pang mga talent o artista nito sa ibang network. Dagdag pa nito, maayos naman umano ang trato ng Kapamilya network sa mga artista ng Cornerstone kaya hindi umano kailangang umalis o lumipat pa ng mga ito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment