Bali-balita kamakailan lang ang umano’y diretsahang pagpapahayag ni Angel Locsin ng kanyang pagkadismaya sa mga artista ng ABS-CBN na hindi pa rin nagsasalita tungkol sa kinakaharap ngayong laban ng network.
Kaugnay nito, hindi maiwasan ng mga netizen na isiping si Angel umano ang pinapatamaan ng aktres na si Alessandra de Rossi sa mga naging pahayag nito tungkol sa naturang isyu.
Sa Twitter, isang netizen ang nag-iwan ng tanong kay Alessandra tungkol sa hindi umano nito pakikisali sa mga ginagawang rally para sa ipinaglalaban ng ABS-CBN. Ayon sa mga netizen, mukhang ang naging sagot umano ni Alessadra rito ay may kinalaman sa ipinahihiwatig ni Angel.
Sagot pa umano ni Alessandra sa naturang tweet,
“May COVID. Maawa ka. Tsaka di ako okay (mentally) pag madaming tao. Birthday party nga, di ako umaattend, rally pa?”
Sa kasunod na araw umano matapos ihayag ni Alessandra ang naturang tweet, naglabas naman si Angel ng isang Instagram story na mayroon ding kinalaman sa naturang paksa.
Dito, binigyang diin ni Angel na hindi umano kailangan na sumali sila sa rally. Hindi naman klaro kung kanino ito ipinapahiwatig ni Angel. Ngunit, dahil sa naunang pahayag ni Alessandra kaugnay ng naturang isyu ay marami ang naghihinala na para nga kay Alessandra ang pahayag na ito ni Angel.
“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless.
“But making up an excuse to save face at the expenseof those who are fighting for their lives is purely disgusting,” ani pa umano ni Angel sa kanyang IG story.
Maliban sa naturang tweet ni Alessandra ay naglabas pa ito uli ng isa pang pahayag sa Twitter. Sa tweet na ito naman ay ipinahiwatig ng aktres ang kanyang opinyon tungkol umano sa pagkakahati-hati ng mga tao dahil sa iba’t-ibang interes. Saad pa dito ni Alessandra,
“Di ako asar pero di rin ako nagjojoke. Hating hati na tayong lahat dahil sa mga inetrest na pang personal, pang mahal sa buhay, pang tama at mali. At this point, pag lumaban ka, mayabang ka. Pag nanahimik ka, wala kang paki. Pag pray ka nalang, inasa mo kay Lord. yung totoo?”
Si Angel ang isa sa mga artista ng ABS-CBN na siyang pinakabokal sa pagpapahayag ng kanilang ipinaglalaban. Idinidiin ng aktres sa mga protesta na kaniyang nilalahukan ang tungkol sa nararapat na pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.
Sa isa pa sa mga pahayag na inilabas ni Angel, diretsahan nitong hinanap ang ibang mga artista umano ng ABS-CBN na hanggang ngayon ay walang kibo at hindi pa rin nagsasalita tungkol sa isyu.
Ngunit, dahil na rin sa marahil ay mga negatibong opinyon na natanggap ni Angel dahil sa sinabi niyang ito, muli niyang nilinaw ang tunay na nais niyang ipahayag.
“Uulitin ko, ‘pag hinihikayat magsalita, hindi ibig sabihin nun mag rally na sa kalsada. There are many ways to show support. Iba yung takot sa COVID, iba yung ayaw lang talaga.
“Kung may na-offend, I apologize dahil nasaktan ko kayo. Pero hindi dahil sa sinabi kong magsalita kayo. Dahil kailangan talaga nating magsalita ngayon. Uulitin ko, magkaiba po ang magsalita sa lumabas…
“Magkaisa tayo at ‘wag magpagamit,” pahayag pa ni Angel.
Source: mostrendingph
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment