Sunday, July 26, 2020

Dalawang Sikat na Kapamilya Stars, Lilipat na nga ba sa TV5?


Malaking kawalan para sa maraming mga artista ang tuluyang pagtigil ng operasyon ng ABS-CBN dahil sa isyu sa renewal ng kanilang prangkisa.

Kaya naman, upang patuloy na magkaroon ng kita at pangkabuhayaan, karamihan sa mga artistang apektado ng naturang pangyayari ay naghahanap ng bagong mapagkakakitaan o di kaya ay pinipilit na kumonekta sa mga tao sa pamamagitan ng ibang platform.

Ngunit, mayroon din umanong iba na tuluyan nang nagdesisyon na lumipat na lamang sa ibang TV network tulad ng TV5 at GMA.

Kaugnay nito, dalawang artista mula sa ABS-CBN ang umano’y tuluyan nang lilipat sa TV5. Ito ay matapos ang mga lumabas na anunsyo ng pagkakaroon nito ng mga programa sa TV5. Ang mga aristang ito na tinutukoy ay sina Jessy Mendiola at Pokwang.


Ayon sa mga ulat, ang aktres at komedyanteng si Pokwang ay nakatakda umanong magkaroon ng isang game show kung saan, magiging co-host umano nito ang komedyante ring si Jose Manalo na mula naman sa GMA.

Ang game show na ito ay tatawaging ‘Fill in the Blanks’ na nasa ilalim ng TV5 at Cignal Entertainment. Ang producer naman umano ng naturang gameshow ay ang APT Entertainment.

Maliban dito, kasama sina Pauleen Luna at Ria Atayde ay magiging host din umano si Pokwang ng daily morning show ng APT Entertainment na ‘Rise and Shine’.

Kaya naman, dahil sa mga nakaabang na mga programang ito para kay Pokwang, tanong ngayon ng marami ay kung tuluyan na nga bang lilipat si Pokwang sa kabilang TV network. Hindi naman pinatagal pa ni Pokwang isyu at sinagot niya ang isa sa mga tanong ng mga netizen tungkol dito.


“Yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa, yes matagal na akong nagpaalam pero di ako pinayagan alam ng mga boss yan! Hindi ba pwede sumuporta muna bago umalis? May mga kaibigan akong maiiwan teh,” sagot pa ni Pokwang.

Sa kabilang banda, ang aktres naman na si Jessy Mendiola ay nakatakda umanong magkaroon ng kanyang sariling health show na nasa ilalim pa rin ng Cignal Entertainment. Ang programang ito ni Jessy ay tatawagin naman umanong ‘Fit For Life’.

Excited naman na inanusyo ng aktres ang tungkol dito sa kanyang Instagram account. Saad pa nga nito,

“Can’t wait for my new show to come out! Abangan.”


Ang mga programang ito na nakatakdang ipalabas ng TV5 ay naglalayon umano na buhayin ang mainstream TV broadcast na labis na naapektuhan ng kinaharap na isyu ng ABS-CBN.

Maliban dito, malaking dahilan din umano ng paggawa ng bagong mga programa ay upang mabigyan muli ng trabaho hindi lamang ang mga artista mula sa Kapamilya network kundi pati na rin ang mga artistang naapektuhan ang trabaho dahil sa pandemya.

“We want to cast a wider net to employ more artists and industry players through blocktime or co-production arrangements and platforms,” ani pa nga ni Perci Intalan, ang programming consultant ng TV5.

Maging ang Cornerstone Entertainment, kung saan karamihan sa kanilang mga artista ay lumalabas sa ABS-CBN, ay mayroon na rin umanong ugnayan sa TV5 at Cignal Entertainment.

Source: mostrendingph


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment