Sunday, July 5, 2020

Angelica Panganiban, Hindi Nakapagpigil Na Mag-rant Sa Twitter Dahil Sa palpak Na Serbisyo Ng Isang Internet Service Provider


Isinapubliko na ng aktres na si Angelica Panganiban ang isang buwan na umano niyang hinaing tungkol sa palpak na serbisyo ng kanyang internet service provider.

Sa twitter, inilabas ni Angelica ang kanya umanong reklamo sa SKY cable dahil isang buwan na umano ang lumipas ay wala pa ring internet ang aktres. Hindi umano nito tinupad ang usapan na kakabitan siya ng wifi ng kompanya.

Dagdag pa ng aktres, gumastos na umano siya Php 8000 para rito ngunit, hanggang ngayon ay hindi pa rin umano siya sinisipot ng SKY.

Dahil dito, magkakasunod-sunod na tweets ang ibinahagi ng aktres kung saan, paksa nito ang isang buwan na niyang paghihintay sa naturang internet service provider.

“Hi @SKYserves one month na po... Hindi niyo pa rin ako sinisipot? Ano ito? Drawing? Kailangan umabot sa Twitter?,” saad pa ng aktres.


Ayon kay Angelica, sa loob ng isang buwan na paghihintay ay napapagod na umano ito. Pati na rin sa muling pagpapa-schedule sa kompanya ay napagod na rin si Angelica dahil wala naman umanong dumarating.

Kaya naman, dagdag tweet pa nito,

“Sana yung susunod na mga tweets natin, nagpasalamat na tayo sa @SKYserves. Sana magising ako sa doorbell nila. Yung, tinupad na nila mga pangako nilang mag install ng wifi. Para sulit naman yung binabayaran ko. 8thousand na po ang lumipad mga tita sa SKY! Kalerks na po.”

Dahil sa ginawang ito ni Angelica, maraming mga netizen ang naghayag rin na kapareho ni Angelica ay nakakaranas din umano ang mga ito ng palpak na serbisyo ng naturang internet service provider.

Kanya-kanyang labas na rin ang mga ito ng reklamo kaya naman, napansin ng SKY ang inilabas na hinaing ni Angelica. Sa wakas ay sumagot ang SKY sa isa sa mga ibinahaging tweet ng aktres.


“We would like to apologize if you have experienced this inconvenience, Ms. Angelica. Please follow us back so we can discuss things further via DM. Thanks,” sagot pa ng SKY.

Ngunit, mas gusto umano ng aktres na isapubliko ang mga hinaing nito. Ayon pa kay Angelica,

“Kapag public, sumasagot kayo eh. Hehe. I-public natin to. Para may witness ako… Una, gusto ko ng 2month refund. Pangalawa, mag trabaho kayo. Kaya po ba?”

Heto naman ang naging sagot ulit ng SKY sa hinaing na ito ni Angelica. Ayon sa SKY,

“Yes, we can make necessary rebate once you handed over us your account details, Ms. Angelica. Be also assured that we are doing our best to ensure that each and every concern of our customers is accommodated.”

Hindi pa dito nakontento ang aktres at nagbahagi pa ng mga ‘hugot’ tungkol dito. Ani pa nito,


“Yung love life ko parating na. Yung sky na pa internet, wala pa riiiin! Huuuy mami!”

“Ganda ko na o, pero wala akong internet. :)”

Para naman sa mga ordinaryong subscribers ng naturang internet service provider, maging sila umano sana ay mapansin rin ng SKY at nang masolusyonan din ang kanilang mga hinaing dito. Kung hindi pa umano si Angelica ang nagreklamo dito ay hindi pa umano sasagot ang SKY kagaya ng nangyayari sa kanila.

Source: kickerdaily

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment