Ang paggamit at hindi maayos na pagtapon ng disposable face mask ay nakakadagdag sa problema ng mundo sa basura.
Ito ang mensaheng nais na ipahatid ng UNEP (United Nations Environment Proramme) goodwill ambassador na si Antoinette Taus sa lahat. Sa isang Instagram post ni Antoinette, hinimok nito ang publiko sa paggamit ng reusable na face mask kaysa sa mga disposable masks.
“Please choose reusable fabric masks (if you are not significantly exposed or a medical professional), and no matter which type you choose, please handle them carefully and dispose of them properly,” saad pa nito.
Ayon kay Antoinette, malaking bahagi ng paggamit ng disposable face mask na hindi itinatapon ng maayos ay nakakapagpalala sa polusyon na kinakaharap ng mundo.
Kaya naman, ang paggamit ng mga face mask na muling magagamit tulad ng mga face mask na gawa sa tela ay isang malaking tulong.
Sa Instagram account ni Antoinette, nagbahagi ito ng mga larawan kung saan, makikita ang mga nagkalat na disposable face mask sa dagat o karagatan at sa mga dalampasigan.
“Our ocean is suffering in so many ways and one of them is due to all of our #COVID19 disposable masks and gloves. This devastatingly high volume of medical waste adds to the ongoing global issue of (plastic pollution).”
Dahil sa COVID-19, marahil ay nakapagpahinga nga ang kalikasan mula sa polusyon ngunit, isang bagong problema naman ang lumutang nang dahil din dito.
Dahil sa mga disposable face masks na basta-basta na lamang itinatapon kung saan-saan, mas nadagdagan pa ang bilang ng mga basura sa mundo lalong-lalo na sa mga katubigang bahagi nito.
“Improper treatment and disposal of healthcare waste poses serious hazards of secondary disease transmission due to exposures to infectious agents among waste pickers, waste workers, health workers, patients, and the community in general where waste is improperly disposed.
“Along with this, the high volume of waste adds to the ongoing global issue of #PlasticPollution which has already escalated due to relief operations,” dagdag pa nito.
Kaya naman, bilang paalala, kasama ang ‘Planet Cora’, isang non-profit organization na itinayo ni Antoinette na naglalayong wakasan ang polusyon at iba pang mga problema sa kalikasan, pinaalalahanan nito ang publiko sa pagiging responsable sa paggamit ng face mask.
“The #Coronavirus may have offered our planet a break from climate change causing activities, but a brand new pollution problem is emerging amidst the global pandemic. Due to the high demand and immediate disposal of single-use face masks.
“Accompanied by the lack of infrastructure to manage them properly, disposable masks are already washing up on the shores of Hong Kong and other parts of the world,” pahayag pa ni Antoinette at ng Planet Cora.
Hangga’t maaari, gumamit ng reusable face mask dahil malaki ang naitutulong nito na mabawasan ang mga basura sa mundo.
Maliban dito, nagbigay din ng paalala si Antoinette tungkol sa pag-iwas sa single-use plastic. Isa rin kasi ito sa mga dahilan kung bakit tambak-tambak ang mga plastik at basura sa mundo. Dahil sa mga plastik na ito na kalimitan ay nasa karagatan, maraming mga hayop ang nalalason at namamatay.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment