Thursday, July 16, 2020

Clint Bondad to Sam Milby: “Want to become my client?”


Nitong nakaraang mga araw, marami ang naintriga sa ibinahaging Instagram stories ni Clint Bondad, ang dating karelasyon ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Sa naturang Instagram story, makikita ang screenshot ng ipinadalang mesahe ni Clint sa kasalukuyang karelasyon ngayon ni Catriona na si Sam Milby.

“Want to become my client?,” ani pa ni Clint kay Sam.

“How about we have a little chat” naman ang isinulat ni Clint sa naturang screenshot sa kanyang Instagram story.

Marami naman ang naguluhan sa ibinahaging ito ni Clint at hindi maintindihan ang mensahe nito kay Sam.

Maliban dito, muli pang nagbahagi si Clint ng isa pang screenshot kung saan, bagama’t hindi pa sumasagot si Sam ay muli niya na naman itong pinadalhan ng mensahe. Nilagyan niya pa ito ng caption na “Oh no”.


“Your rate shall increase after 5:30,” saad pa ni Clint sa pangalawang mensahe na ipinadala nito kay Sam.

Trending naman agad si Clint sa social media dahil dito. Hindi umano maintindihan at naguguluhan ang marami sa ginagawang ito ni Clint sa bagong nobyo ng kanyang ex-girlfriend.

Matapos ang mga ibinhaging Instagram story na ito ni Clint, bigla namang nagbahagi rin si Sam ng isang Instagram post na mayroong kinalaman kay Catriona. Dito, ibinahagi ni Sam ang kanyang ginawang pagsuporta sa charity work umano ni Catriona. Pinasalamatan din ito ni Catriona sa kanyang pagsuporta dito sa comment section ng naturang Instagram post.

“LET’S ALL PASS THE KINDNESS.

“A few weeks ago, I was able to take part in an outreach program for @youngfocusph. I’ve heard so much about them and the work that they do from @catriona_gray so I wanted to also get involved and support. Going there and working with their volunteers was really rewarding. It proved to me that helping others is one of the most rewarding things you can do…,” ani pa ni Sam sa kanyang post.


Kung matatandaan, inamamin ni Sam ang totoong namamagitan sa kanila ni Catriona nito lamang kanyang kaarawan..

“Worth every second of the wait. Most special birthday yet,” ani pa ni Sam patungkol kay Catriona sa kanyang kaarawan nito lamang Mayo.

Bagama’t Enero pa ng kasalukuyang taon inuugnay ang dalawa ay panay naman ang pagtanggi ng mga ito na mayroon silang relasyon. Ani ni Catriona, magkaibigan lamang umano sila ng aktor dahil nasa ilalim sila ng iisang talent management agency, ang Cornerstone, at madalas rin silang makasamang magsimba.

Anim na taon naman ang itinagal ng relasyon ni Catriona kay Clint. Bagama’t mayroon ng mga balita na kumakalat tungkol sa kanilang hiwalayan, Pebrero ng taong 2019 lamang nang tuluyang kinumpirma ni Catriona na hiwalay na ito at si Clint.

Isiniwalat niya ito sa programag ‘Tonight with Boy Abunda’. Ani pa dito ni Catriona tungkol sa naturang hiwalayan,


“When you're together for so long and you start off from a very young age, you grow. Whether that be in your personal or in your career --sometimes you just outgrow each other.”

Kinumpirma rin ng panig ni Clint ang naturang hiwalayan. Saad pa niya tungkol dito,

“is certainly not what we both wanted, but most certainly what we both need at this point of our life.”

Si Clint ay isang Filipino-German model at aktor na pumirma kamakailan lang ng isang management contract sa GMA Artist Center noong Mayo ng nakaraang taon.

Source: ABS CBN
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment