Thursday, July 16, 2020

Cryptic IG Stories ni Clint Bondad, Ano Nga Ba Ang Ipinahihiwatig?


Hindi maintindihan ng marami kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ni Clint Bondad, ex-boyfriend ni Miss Universe 2018 Catriona Gray, sa kanyang inilabas na mga Instagram stories.

Mula umaga ng ika-16 ng Hulyo ay trending sa social media lalo na sa Twitter sina Clint, Catriona, at aktor na si Sam Milby. Si Sam ang kasalukuyan ngayong karelayon ni Catriona na inanunsyo ni Sam noon lamang nakaraan nitong birthday.

Bagama’t mayroong iba na nag-aalala kay Clint dahil sa mga nakakabahalang mensahe na inilabas nito sa Instagram, marami naman ang masyadong naguluhan at natakot din sa umano’y maaaring nais ipahiwatig ni Clint.

Gumugulo sa utak ng marami ang magkasund-sunod na Instagram stories ni Clint na umano’y halata ang kaugnayan sa ex nitong si Catriona at kay Sam. Ilan sa mga inilabas nitong pahayag na talaga namang nagapagulo sa mga netizens ay “P.S. I create Queens” at “Don’t worry” “I am only…” “the Ex”.


Kaugnay nito, mayroong isang netizen na naglabas naman ng isa ring nakakaintrigang ‘blind item’ na ayon sa marami ay may kinalaman sa tatlo. Sa Facebook, isang Andrew Olivar ang naglabas ng naturang blind item.

Ayon kay Andrew, mayroong apat na tao sa loob ng naturang blind item. Ang mga ito ay tinawag niyang sina Pusang Gala, Baklang Addition, Bortabels, at Mayaman na Matanders.

Pagkukwento pa ni Andrew, si Pusang Gala at Baklang Addition ay nagpapanggap lamang umanong magkasintahan. Nalaman umano ni Bortables, na ex ni Pusang Gala, ang tungkol dito pati na rin ang tunay umanong kasarian ni Baklang Addition.

Dagdag pa ni Andrew, ang tunay talaga umanong boyfriend ni Pusang Gala ay si Mayaman na Matanders na sobra umanong yaman. Maliban dito, heto pa ang laman ng ibinahaging blind item ng naturang Andrew sa Facebook:


“Si Pusang Gala at Baklang Addition ay nagpapanggap na magjowabels kasi nahuli ni Bortabels na si Baklang Addition ay boklo talaga dahil nabokelya niya sa BLUED gay app (dating site)...

“Nabukelya din ni Bortables ex na si Pusang Gala at Black Addition ay nagsabwatan at nagpanggap na magjowabels para itago ang totoong jowabels ni Pusang Gala… ‘yung jowabels ni Pusang Gala ay isang Mayaman na Matanders na sobrang yaman…

“Si Baklang Addition din pala ay nahuli at nalaman din na isa syang high class na pokohontas… at nalaman din pala ni Bortabels na may grupo palang naghandle kay Pusang Gala para ipimp sya sa meyeyemen na tao…”

Ayon pa kay Andrew, mayroon pa umanong karugtong ang naturang blind item na siya namang lalong nagpaintriga sa mga netizen. Bagama’t naka-off ang comment section ng Facebook post na ito ni Andrew, naging trending pa rin ito at maraming netizens ang nag-aabang sa kasunod na mga detalye.


Samanatala, bagama’t marami ang nag-aalala kay Clint dahil sa misteryoso nitong mga mensahe sa social media, maraming mga netizen naman ang di mapigilang magkomento ng salungat dito.

Ayon sa mga ito, kung ang ipinahihiwatig ni Clint ay tungkol kay Catriona, kailangan na umano nitong mag-move on at hayaan na ang huli dahil mayroon na itong bagong karelasyon.

Anim na taon ang itinagal ng relayson nina Clint at Catriona bago tuluyang kumpirmahin ng mga ito na hiwalay na sila noong 2019. Buwan ng Mayo naman ng kasalukuyang taon nang ianunsyo ni Sam ang relasyon nito kay Catriona.

Source: philnews

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment