Mainit na pinag-uusapan ngayon sa social media ang pelikulang ‘Through Night and Day’ nina Paolo Contis at Alessandra de Rossi.
Number 1 trending ang naturang pelikula sa Netflix Philippines at kaliwa’t-kanan na ang natatanggap na magagandang reviews. Marami rin ang pumupuri sa ganda ng istorya ng naturang pelikula at maging sa mahusay na pagganap ng mga bida nito na sina Alessandra at Paolo.
Ngunit, alam niyo ba na hindi talaga kay Paolo nakalaan ang pagganap sa naturang pelikula?
Ito ay ayon mismo sa katambal nito na si Alessandra na siya ring gumawa ng konspeto ng ‘Through Night and Day’.
Sa Twitter, isang follower ng aktres ang mayroong ibinahaging tanong kay Alessandra tungkol umano sa pagganap ni Paolo sa naturang pelikula. Tanong nito kay Alessandra, kay Paolo nga ba talaga umano inilaan ang role nito sa ‘Through Night and Day’.
“Question lang, kay Paolo po ba talaga inoffer yung role dahil siya naisip mong gumanap or viva nagdecide?,” tanong pa nito sa aktres.
Ayon kay Alessandra, hindi umano si Paolo ang first choice ng naturang pelikula at nakalaan talaga dapat ang storya sa aktor na si Empoy Marquez na nakatambal na din ni Alessandra sa pelikulang ‘Kita Kita’. Gayunpaman, ayon kay Alessandra ay ‘perfect’ umano na si Paolo ang tuluyang gumanap sa role.
“I wrote this for empoy, kaya ginawa kong childhood friends para tanggap na nila isa't isa. Ano man! Love you poy! Charot! Ngunit may kontraban. Not viva or octo. Perfect si paolo, btw. Ginalingan. #truestory,” pagbabahagi pa ng aktres.
Maliban dito, ibinahagi rin ni Alessandra na ito dapat talaga umano ang magsusulat ng pelikula at maging direktor na rin nito. Ngunit, dahil sa ganda umano ng pagkakasulat ng scriptwiter na si Noreen Capili sa kwento, natakot ito na baka masira niya umano ang pelikula kaya hindi niya na ito dinirect.
“Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai dahil idol/mentor/bff ko sya. Sabi ko, ako nalang magdidirek! Go girl!..
“Noong nabasa ko yung script ni @noringai, na pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer. Natakot ako na baka masira ko yung film. I'm glad si direk Veronica Velasco ang gumawa. Salamat direk and noreen! BUTI NALANG! MAHUSAY,” kwento pa ni Alessandra.
Ang ‘Through Night and Day’ ay tungkol sa storya ng magkasintahang sina Ben (Paolo) at Jen (Alessandra). Taong 2018 nang unang ipalabas ang pelikula sa mga sinehan ngunit, hindi ito tinangkilik ng madala. Kamakailan lamang ng lumabas sa Netflix ang pelikula at agad na naging trending sa bansa.
Kaya naman, malaki ang pasasalamat ni Alessandra at ng mga gumawa nito sa atensyon na nakukuha ngayon ng pelikula. Sa ganda ng ‘Through Night and Day’, ayon sa mga manonood ay karapat-dapat lang din ito sa mga papuri na natatanggap nito ngayon.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment