Thursday, July 30, 2020

Dentista at Pharmacist, Ipinagmamalaki ang Kanilang Tatay na Isang Tricycle Driver


Dahil sa isa lamang tricycle driver ang trabaho ng isang tao, hindi ibig sabihin na wala na itong pangarap na maaaring makakamit sa buhay.

Ito ang nais ipahatid sa lahat ng dentistang si Dr. Marga Santiago Suoborin at ng kanyang kapatid na isa namang pharmacist. Dahil sa pagsisikap ng kanilang ama na isang tricycle driver, napagtapos nito sa pagiging dentista at pharmacist sina Dr. Marga.

Para kay Dr. Marga, hindi isang tricycle driver ‘lang’, saad pa umano ng iba, ang kanyang tatay. Saksi umano ito sa ginawang pagsisikap ng kanyang tatay mula pa sa kanyang pagkabata hanggang sa tuluyan na siyang naging isang dentista.

“Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong ‘TRICYCLE DRIVER LANG’,” saad pa ni Dr. Marga.


Ayon kay Marga, ang tatay niya umano ang nagtulak sa kanya na maging doktor sa kabila nang haharapin nitong gastos sa kanyang pag-aaral. Nakita niya umano kung paano inipon ng kanyang ama ang kitang pera mula sa parehong pamamasada at pagsasaka nito upang mayroon itong maibigay kay Dr. Marga noong nag-aaral pa ito. Kwento pa nga nito,

“Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mag mamasada sya…

“Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya. Then pag may babayaran sa school dun sya kumukuha… Di sya umaangal oo lng ng oo si papa.”

Nakikita niya umano ang hirap na dinaranas ng mga tricycle driver, kabilang na ang kanyang ama, na pumapasada pa rin sa kabila man umano ng buhos ng ulan o sa tirik ng araw. Kaya naman, hindi gusto ni Dr. Marga ang ginagawang pangmamaliit umano sa mga tricycle driver.



Ayon sa kanya, mahirap man ay marangal naman umanong trabaho ang pamamasada ng tricycle. Pinaghihirapan umano nila ang perang kinikita rito at hindi ninanakaw lamang. Hindi rin daw totoong walang pangarap ang mga tricycle driver dahil pangarap umano ng mga ito na maabot ng kanilang mga anak ang kanilang mga pangarap, kagaya ng kanyang tatay.

Dagdag pa ni Dr. Marga, hindi rin umano ibig sabihin na kapag isang tricycle driver ay wala nang pinag-aralan.

“HINDI LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS AY WALANG PINAG ARALAN. TATAY KO TRICYCLE DRIVER PERO NAKA GRADUATE PO SYA NG MARINE ENGINEERING FYI. PINILI NYA MAGING TRICYCLE DRIVER AT FARMER KASI GUSTO NYA KAMING MAKITANG LUMAKI,” saad pa nito.



Dahil sa pagsisikap ng kanyang ama at kanyang paghanga dito matapos nitong mapagtapos silang magkakapatid, higit pa sa isang ama ang tingin niya sa kanyang tatay.  Para kaya Dr. Marga, maituturing niyang kanyang bayani ang kanyang tatay. Ani niya pa nga,

“MY FATHER IS A FARMER AND A TRICYCLE DRIVER AND HE'S MY REAL LIFE SUPERHERO. NOTHING CAN CHANGE THAT. TO PAPA, AT SA LAHAT NG TRICYCLE DRIVERS, SALUDO KAMI SA INYO!!!”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment