Monday, July 13, 2020

Ellen Adarna, Nagreact sa IG Post ni Gretchen Barretto Tungkol sa Pagkakaroon Nito ng Fake Account


Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga artista at ilang mga sikat na personalidad ang magkaroon ng mga poser o fake accounts sa iba’t-ibang social media sites.

Isa nga sa mga nabiktima nito ay si Gretchen Barretto kung saan, kamakailan lang ay nagbahagi ito ng isang post sa kanyang Instagram tungkol sa kanya umanong poser sa Twitter. Kamakailan lang ay natuklasan ni Gretchen ang naturang poser account kaya niya ito ibinahagi sa social media.

Sa naturang Instagram post, ibinahagi ni Gretchen ang larawan ng isang Twitter account na ginagamit ang kanyang pangalan. Ang naturang Twitter account ay ginagamit umano upang maglabas ng mga pahayag na laban o mapanira sa gobyerno.

Dito, ipinaalala ni Gretchen sa kanyang Instagram followers na hindi niya umano ito Twitter account at wala umano siyang ginagamit na poser account sa Twitter. Maliban dito, muli ring kinlaro ni Gretchen na salungat sa ginagawa ng kanyang poser, siya umano ay sumusuporta sa Presidente o isang Pro Duterte.

“The POSER OF A TWITTER ACCOUNT CLAIMING TO BE ME IS NOW CLAIMING TO BE (way Better). Dreams are free. If it helps you ESCAPE YOUR REALITY, go #proDuterte,” saad pa dito ni Gretchen.


Sa Instagram post niyang ito, nag-iwan ng komento ang kanyang kapatid na si Claudine Barretto at aktres na si Ellen Adarna.

“Laughtrip,” ang saad pa ni Ellen kalakip ang ilang mga ‘laughing’ emoji.

“IN YOUR DREAMS” naman ang iniwang komento ni Claudine sa post na ito ng kapatid kung saan, kagaya ni Ellen ay nilagyan niya rin ng ilang ‘laughing’ emoji.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-iwan ng babala si Gretchen sa kanyang mga Instagram followers tungkol sa isang poser o fake account.

Minsan na ring may natuklasan si Gretchen na isa pang fake Twitter account na ginagamit ang kanyang pangalan. Sa pagkakataong ito, ang naturang poser account ay nagbigay naman ng pahayag tungkol sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN at ng kongreso.

Sa ibinahaging larawan ni Gretchen ng poser account na ito, makikita na sinusuportahan nito ang ABS-CBN sa pagre-renew nito ng kanilang prangkisa. Nagbigay pa ito ng babala sa 71 congressmen na bumoto ng YES upang tanggihan ang pagbibigay ng prangkisa sa TV network.


Ayon kay Gretchen, hindi umano siya naglabas ng kahit anumang pahayag hinggil sa naturang isyu. Saad pa nga ni Gretchen tungkol sa fake Twitter account na to,

“THIS IS A FAKE TWITTER ACCOUNT!!! I have not made a single statement regarding congress & ABS-CBN.”

Ayon kay Gretchen, wala umano siyang Twitter account kaya lahat ng mga Twitter account na ginagamit ang kanyang pangalan ay pawang mga poser o peke. Taliwas din sa madalas na inihahayag ng mga poser account na ito, si Gretchen ay tagasuporta ng Presidente.


Si Gretchen ay isa sa mga sikat na personalidad na hinahangaan ng marami dahil sa pagiging totoo at prangka umano ito sa kanyang mga pahayag at opinyon. Marami ang umi-idolo dito kaya marahil ay nagkalat sa iba’t-ibang social media sites ang mga taong nagpapanggap bilang si Gretchen.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment