Tuesday, July 14, 2020

Nadine Lustre, Ibinunyag Ang Umano’y Pinakamalaki Nitong Insecurity Sa Kanyang Katawan


Isa si Nadine Lustre sa mga celebrity ngayon na pinakahinahangaan ng lahat. Ngunit, sa kabila nito ay may ibinunyag ang aktres tungkol sa kanya umanong pinakamalaking insecurity sa kanyang katawan.

Kasama ang aktres na si Maja Salvador, si Nadine ay muling naging endorser ng clothing brand na H&M sa kanilang Swim Essentials. Kamakailan lang ay nagkaroon ito ng campaign shoot sa Palwan para sa naturang brand.

Habang nasa naturang shooting, nagkaroon ng interview ang dalawa sa Youtube Channel ng vlogger na si Angel Dei Peralta. Dito, isa sa mga tanong na sinagot ng dalawa ay tungkol sa kanilang mga insecurity sa katawan.

Kahit na nag-uumapaw ang confidence ng dalawa sa kanilang mga katawan, ayon sa mga ito ay mayroon pa rin umano silang mga insecurities na maituturing.


Para kay Maja, ang kanya umanong puson ang maituturing niyang pinakamalaking insecurity. Aminado kasi ang aktres na nahihirapan itong i-workout ang naturang bahagi ng kanyang katawan.

Diretsahan namang sinagot ni Nadine ang tanong na ito sa kanya ng vlogger. Para kay Nadine, naging pinakamalaki niya umanong insecurity ay ang kanyang dibdib. Saad pa ni Nadine,

“I wish my boobs were bigger. Kasi wala talaga. No, but boobs kasi they’re fat eh.”

Ngunit, natutunan na umanong tanggapin ni Nadine ang naturang bahagi ng kanyang katawan. Nang tanungin naman ito kung paano niya ito nagawa, ayon kay Nadine,

“I just accept it. I mean, am I gonna stress myself about it? Either parang you work out but you know, make it firm or wala eh it’s really fat eh tanggapin mo. Or you eat more…

“Pero ‘yung body ko lean talaga ako eh no matter how much I eat. ‘Yung heaviest ko would be one hundred twenty na. That’s my heaviest na. Hindi ko na kayang lumagpas ng 120. It’s always been like that.”


Para kay Nadine, tinanggap nito kung anuman ang mayroon siya kaya niya nalampasan ang naturang insecurity. Kaya naman, mayroon itong ibinigay na mensahe at payo para sa mga taong mayroon ding nararamdamang insecurity sa katawan.

“Love yourself. Love the skin that you’re in. And you know, don’t be ashamed of anything. That’s what the universe gave you. Accept it. Just you know, be yourself,” saad pa nito.

Ang pagiging komportable ni Nadine sa kanyang katawan at malayang pagpapahayag nito sa kanyang sarili ang isa sa mga dahilan kung bakit marami ang sumusuporta at nagmamahal kay Nadine.

Isa ito sa mga nangunguna na ipinaglaban ang empowerment sa mga kababaihan at ang pagigng komportable ng mga ito sa kung anuman sila.


Maliban dito, si Nadine din ay kilala ring advocate ng Mental Health awareness. Dagdag itong rason kung bakit marami ang humahanga sa aktres at patuloy ang suporta sa kanya ng marami.

Sa ilang mga nagdaang panayam ni Nadine, ilang ulit na ring natanong sa kanya kung ano ang kanyang mga insecurity sa sarili. Sa mga sagot na kanyang ibinigay, ang hindi nagbabago para kay Nadine ay ang pagtanggap umano ng isang tao sa kanilang sarili at pagamamahal sa kung anuman ang ibinigay sa kanila.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment