Monday, July 6, 2020

Espesyal Na Aso At Training Partner Din Ni Sen. Pacquiao, Pumanaw Matapos Aksidenteng Masagasaan Ng Kotse


Ang espesyal na asong kasa-kasama ng Pambasang Kamao, Senator Manny Pacquiao, sa kanyang mga training sa nakalipas na ilang tao ay pumanaw na.

Ito ay ang asong si Pacman, ang pinakamamahal na aso at itinuturing ring bunso ng senador.

Aksidente umanong nasagasaan ng isang sasakyan ang Jack Russel terrier breed na aso sa General Santos City. Nangyari ito matapos lamang umano ang isang araw ng muling pagbabalik ng pamilya Pacquiao sa Gensan. Nangyari ito nito lamang Sabado, ika-27 ng Hunyo.

Ayon sa nagmamaneho ng sasakyan, umaandar na umano ang kotse nito nang biglang tumakbo sa ilalim si Pacman, dahilan para masagasaan niya ang aso.

Nadala pa umano sa beterinaryo ang espesyal na aso ngunit, dahil na rin sa edad at katandaan ng aso ay hindi na raw nagamot ang mga natamo nito sa aksidente.


Sa edad na 14, minahal ang aso na si Pacman dahil sa kasa-kasama ito ni Sen. Pacquiao tuwing ito ay nagte-training. Kaya naman, sa pagpanaw umano ng kanyang loyal training partner ng mahabang taon, labis daw na nalungkot si Sen. Pacquiao at nagkulong na lamang sa kwarto nito.

Ayon sa ulat, nakalibing na umano ngayon ang asong si Pacman sa bakuran ng bahay ng pamilya Pacquiao sa Gensan.

Maituturing itong espesyal dahil kasa-kasama nito ang boxing legend sa pagtakbo nito sa umaga at maging sa training nito sa loob ng boxing gym. Nakilala ito ng medya dahil sa kadikit ito palagi ng tanyag na boksingero.

Mula taong 2006 ay ito na ang nagsisilbing espesyal na training partner ni Sen. Pacquiao. Ngunit, dahil na rin sa tumatandang edad nito, taong 2018 ay hindi na gaanong sumasama si Pacman sa mga ensayo ni Sen. Pacquiao. Hindi na rin ito makasabay pa kaya ito tumigil sa pagsama sa training ni Sen. Pacquiao.


Si Pacman ay anak ng aso na bumida sa pelikulang ‘The Mask’ ng Hollywood aktor na si Jim Carrey.

Unang ibinahagi ang nakakalungkot na balitang ito ng GMA news reporter na si Mav Gonzales sa kanyang twitter account. Tweet pa nito,

“RIP Pacman (the dog)...

“Pacman was Sen. Manny Pacquiao’s beloved bunso and training partner since 2006. The 14-year-old Jack Russell terrier died after accidentally getting run over by a car in Gensan yesterday.

“Kakauwi lang din ng pamilya Pacquiao sa Gensan dahil sa lockdown sa Metro Manila. Sobrang nalungkot daw si Sen. Pacquiao at nagkulong sa kwarto nang malaman ang nangyari. Nakalibing na sa bakuran nila ngayon si Pacman.”


Kamakailan lang ay ibinahagi sa Instagram ng asawa ni Sen. Pacquiao na si Jinkee ang masasayang mga larawan nilang pamilya sa muling pagbabalik ng mga ito sa Gensan. Matagal na nanatili sa Metro Manila ang mag-anak dahil sa lockdown.

Kasama ang kanilang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel, nagpapasalamat si Jinkee sa ligtas nilang paglapag at pagdating sa Gensan.

Source: gmanetwork


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment