Friday, July 24, 2020

GMA-7 Writer to Angel Locsin: “Di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh!”


Isang prominenteng writer galing sa GMA ang umano’y umalma sa mga isinaad ng aktres na si Angel Locsin tungkol umano sa pagtulong na ginawa sa kanya ng ABS-CBN noong mga panahong walang-wala ang aktres.

Sa isa sa mga nilahukang protesta ni Angel tungkol sa pakikpaglaban nito na mai-renew ang prangkisa ng kasalukuyang network na kanyang kinabibilangan, isinaad umano nito ang pasasalamat niya sa ABS-CBN dahil sa mga tulong nito kay Angel noong umano’y naghihirap ito.

“Wala akong shares sa ABS-CBN, wala akong kontrata pero itong mga taong ‘to sila yung’ nagbigay ng trabaho sa akin, sila yung tumulong sa akin nung walang-wala ang pamilya ko,” ani pa nito.

Umalma sa pahayag na ito ni Angel ang GMA-7 writer na si Suzette Doctolero. Aniya, umalis umano si Angel sa GMA Network nang mayroong malaking kita sa dami ng mga proyekto na nagawa niya sa network.


Dagdag pa ni Suzette, makakapagpatunay umano sa laki ng kita ni Angel ang mga naging katrabaho ng aktres sa GMA at maging ang BIR (Bureau of Internal Revenue). Ani pa umano nito kay Angel,

“A e I admire your courage po pero huwag exag. Kumita ka ng sobrang laki sa GMA. Malaki ang net worth mo nung lumipat ka sa kabila. Sa totoo lang tayo ha. Kaloka…

“Though baka naman din kasi sa sobrang silakbo lang ng damdamin mo kaya mo siguro nasabi ang tila yata kasinungalingan na padrama mo na ito, right?

Si Angel ang isa sa pinakamalaking artista ng GMA noong hindi pa ito Kapamilya. Patunay nito ang mga nangugunang TV shows ng network na kinabilangan at pinagbidahan ng aktres. Ilan sa mga ito ang Mulawin (2004), Majika (2006), Asian Treasures (2007), at syempre ang Darna (2005).

Kaya naman, natitiyak ni Suzette na hindi naghihirap ang aktres nang lisain nito ang Kapuso Network. Dagdag niya pang saad dito,


“Pero, gurl, we know at ng BIR na di ka patay gutom nung lumipat ka sa kabila, teh. But go, tuloy ang laban, gurl. Wag lang oa sa mga statement. Sa truth lang tayo, yes!

“Btw, ginawa ka naming Darna. Im glad na until now ay nakakabit sa iyo ang pagiging superhero.. kaya sana konting lingon naman ng konti sa pinanggalingan at huwag magsisinungaling ha? Ang totoong hero ay may integredad at di liar, di ba?”

Hindi pa dito natapos si Suzette dahil kinwestyon iyna rin ang isa pang pahayag ni Angel na wala umano itong pagmamay-aring stocks sa ABS-CBN. Ngunit, sa isang listahan na inilabas kung saan nakasaad ang mga indibidwal na mayroong pagmamay-aring stocks sa ABS-CBN, nakalista ang pangalan ni Angel.


“Saka anong wala kang share? Ano ito?? Totoo ba ito o fake news? Tsk. Masisira ka yata sa mga padrama mo oy. Ayos na lumaban ka pero wag po sanang liar? Kung totoo man ito ha,” muli pang saad ni Suzette patungkol kay Angel.

Gayunpaman, sa isyu ng pagkakaroon ni Angel ng stocks sa ABS-CBN, minsan nitong sinabi na hindi pa umano niya kompletong nababayaran ang naturang stocks kaya naman, hindi niya pa daw ito matatawag na pagmamay-ari.

Source: balitangpinas
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment