Sunday, October 11, 2020

Bagong mga Larawan ni Janine Berdin, Kamukha Raw ng Ilang mga Sikat na Personalidad


Hindi pa rin mapigilan ng mga netizen na mamangha sa bagong look ngayon ng ‘Tawag ng Tanghalan’ season 2 grandwinner na si Janine Berdin.

Sa pinakabagong mga larawan na ibinahagi nito sa social media, maraming mga netizen ang nagbahagi ng kanilang paghanga para sa singer. Pawang positibo ang naging ani para rito ng mga netizens na ikinumpara pa ang ganda ni Janine sa ilang mga sikat na personalidad.

Noong unang nakita ng mga netizen ang bagong look na ito ng singer, unang unang napansin nito ay ang pagkakahawig raw ngayon ni Janine sa aktres na si Maja Salvador.

Ngayon naman, sa bagong mga larawan ni Janine ay ang international at super model na si Gigi Hadid naman ang ikinukumpara rito ng mga netizen. Malaki umano ang pagkakahawig dito ng singer sa supermodel.

“Omg. I thought it was Gigi Hadid until i saw the pic credits. She’s sooo beautiful,” saad pa nga rito ng isang netizen.

Heto pa ang ilang komento ng mga netizens na mayroong parehong opinyon sa pagkakahawig raw ng singer kay Gigi Hadid:

“At first glance, I thought it was Gigi Hadid.”

“Gigi hadid? Is that u?”

“She looks like Gigi Hadid uwü!”

“Oh my, you look like Gigi Hadid!” 

“Naging kamukha nya na si Gigi Hadid…”



Maliban dito, ang isa pang international personality kung saan ikinukumpara rin si Janine ay si Ariana Grande. Pansin ng ilang mga netizen na mayroong mga anggulo si Janine na kamukha ang kapwa singer.

“Arianna Grande is that you?” komento pa nga rito ng isang netizen.

“Hawig niya dito c Arianna… 

“Arianna Grande ng Pinas ‘yan,” ani naman ng iba pa tungkol dito.

Ilan pa sa mga ikinukumpara rin ngayon kay Janine na mayroon daw pagkakahawig dito ay ang aktres na si Sarah Lahbati. Maging sa pagiging isang ‘barbie’ ay ikinumpara din si Janine ng ibang mga netizen.

Ngunit, ang pinaka nangibabaw pa rin ay ang mga papuri at positibong komento ng mga netizen para sa kakaibang ganda na mayroon ngayon ang singer. Ani ng mga ito, bumagay raw kay Janine ang mga pagbabago na ginawa nito sa sarili.

Bagama’t hindi diretsahang inihayag ni Janine na sumailalim ito sa plastic surgery kagaya ng hinala ng maraming mga netizen, naging bukas naman ang singer sa pag-uusap tungkol sa mga pagbabago sa kanyang sarili.

Para sa singer, hangga’t wala itong tinatapakang tao at masaya naman ito para sa naturang pagbabago, walang masama sa anumang transformation na gawin nito. Hindi umano dapat na matakot sa ‘change’ kung mahal mo ang sarili mo at tingin mo ay nakabubuti ito para sa iyo.

“We shouldn’t be afraid of change. Especially when you feel like you’re stuck in a dark place, you shouldn’t just sit there and wait for your surroundings to change for you. And that if you love yourself, it doesn’t mean you won’t do anything to improve yourself. 


“Baliktad nga po. If you truly love yourself, you’ll take time and effort to be better. Let’s not be afraid to change ourselves for the better po… Do something to make yourself happy, kasi naku, you only live once nga, di ba?” ani pa nga ng 18 year-old singer sa isang panayam dito.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment