Sunday, July 5, 2020

Isang Aktres, Nagtatrabaho Ngayon Bilang Waitress Sa Australia


Malayo sa naging buhay sa showbiz, niyayakap ngayon ng aktres na si Rich Asuncion ang kanyang simpleng buhay sa Austalia. Naninirahan na ngayon doon ang aktres kasama ang kanyang asawang Fil-Australian rugby player na si Benjamin Mudie at anak nilang si Isabella.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng 31 taong gulang na aktres ang kanyang buhay ngayon sa naturang bansa. Dito, inilahad din ng aktres na nagtatrabaho ito ngayon bilang ‘waitress’ sa Australia.

“Napakasaya ko ngayong araw dahil natanggap ko na ang una kong sweldo… at sa wakas ay di na ako nalulugmok sa lungkot. Malaking bagay to dahil sa panahon ngayon ang hirap humanap ng dahilan para sumaya. Lalo pa at nag-adjust palang ako dito sa Australia.

“Tagal ko rin naghanap ng work. Kailangan mo yun dito dahil pag sa bahay ka lang mas lalo kang malulungkot. Marami naman kasing opportunities dito basta di ka lang mapili. So yun na nga, dahil di na ko ako nagpaka-choosy, sinubukan ko na ang pag wi-waitress. Casual job at a restaurant,” pagbabahagi pa ni Rich.


Ayon sa aktres, aminado ito na noong una ay nahirapan itong tanggapin ang kanyang bagong trabaho. Ngunit kalaunan, natanggap niya rin ito dahil isa umano itong pagkakataon para sa kanya. Higit sa lahat, wala naman umanong masama sa pagiging isang ‘waitress’.

“Nung una nahirapan ako tanggapin pero narealize ko ngayon, ano naman ang masama dun. Part pa rin naman sya ng Tourism course na kinuha ko sa UP. At wala akong karapatan maginarte kasi nabigyan ako panibagong chance to start anew ,” dagdag pa nito.

Para kay Rich, walang masama sa pagiging isang waitress. Sa panahon ngayon na marami ang naaapektuhan dahil sa pandemya, isang malaking biyaya na nabigyan siya ng pagkakataon sa kanyang panibagong buhay. Ani pa nito sa kanyang naging realisasyon,


“My point here is, I know most of us will need to adjust to a new/different life after this pandemic. And that’s not all that bad. To be able to survive through this is already a blessing. As hard as it may seem, look for the silver lining. Hold on and say I am still a champion. Be grateful because some people have lost more than you already have.”

Maliban sa mga ito, ibinahagi rin ni Rich ang tungkol sa pagiging masaya niya ngayon kasama ang asawa at kanilang anak. Nagbigay rin ng update si Rich tungkol sa kanilang pamumuhay doon pati na rin sa isang bagong biyaya na natanggap umano nilang mag-asawa.

“Sa ngayon ay tanggap ko na at masaya na ko sa bago kong buhay kasama ang aking pamilya. Nakapag-enrol na rin ako to continue my studies and last week, I was offered a full-time job at a Daycare where I can work closely with Bela…


“Ben and I have also just put down a reservation for our future home here in Australia. What a blessing!,” masayang pagbabahagi pa ni Rich.

Para sa aktres, bagama’t hindi palaging nasa itaas o masaya ang buhay, hindi umano ito rason upang tumigil at magpursige. Panibagong pagkakataon lamang umano ito upang magpatuloy lamang nang magpatuloy sa buhay. Ani niya pa,

“Life is indeed a journey full of highs and lows but you should never stop moving and you always keep moving forwards.”

Source: gmanetwork

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment