Monday, July 6, 2020

Julia Barretto, Nilinaw Na Walang Kinalaman Sa Hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson


Isa sa pinakamalaking kontrobersiya at hiwalayan na naganap noong nakaraang taon ay ang kinasangkutan nina Julia Barretto at ng dating magkarelasyon na sina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Pinag-usapan at labis na nag-abang ang publiko sa naturang kaganapan kung saan, diumano ay si Julia ang naging third-party sa paghihiwalay nina Bea at Gerald.

Unang pumutok ang balitang ito nang maghayag ng mga misteryosong mensahe si Bea sa kanyang Instagram account na umano’y may kinalaman sa pinagdadaanan nito sa kanyang buhay pag-ibig.

Hanggang sa naagaw nito ang atensyon ng mga netizen nang magkasunod na ni-like ni Bea ang mga larawan ng noon ay boyfriend na si Gerald at ng aktres na si Julia na magkasama.

Sina Gerald at Julia ay nagkasama at nagtambal sa pelikulang Between Maybes na ipinalabas buwan ng Mayo, 2019.


Base sa mga larawang kumalat, makikita ang pagkakamabutihan ng dalawa kaya kumalat ang mga bali-balita na mayroon na itong relasyon.

Dahil sa pagla-like ni ni Bea sa naturang mga larawan nina Gerald at Julia, kumalat ang mga espekulasyon na si Julia umano ang rason ng hiwalayang Gerald at Bea. Naging dahilan naman ito upang ulanin ng batikos at pambabash ang aktres na si Julia.

Sa kasagsagan ng naturang kontrobersiya, sa isang panayam ay inahayag ni Bea na wala umanong nangyaring pormal na hiwalayan sa pagitan nila ni Gerald. Bigla na lang umano siyang hindi kinausap ng aktor.

Ayon sa mga ulat, nagkausap na rin umano si Gerald at ang ama ni Julia na si Dennis Padilla tungkol sa pangyayari. Dito, isinaad umano ni Gerald kay Dennis na nanliligaw na ito kay Julia.


Dahil sa kinasangkutang isyu, hindi na rin napigilan pa ni Julia na magsalita at ihayag ang kanyang panig. Dito, ipinagdiinan ng aktres na wala umano siyang inagaw o inahas.

“Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon. Therefore, wala akong inagawan ng boyfriend, wala akong inahas, at wala din akong nilandi,” saad pa ni Julia.

Minsan na rin nitong itinanggi na nanliligaw na sa kanya si Gerald gaya ng kumakalat na balita. Ayon sa kanya, wala umano itong katotohanan.

“Hindi ako nililigawan. Naniniwala ako na may tamang panahon at oras para sa mga bagay na ganyan. Pero nananatili siyang matalik kong kaibigan ngayon,” ani pa nito.

Ayon kay Julia, si Bea umano ang naging dahilan kung bakit ito nakatanggap ng kabi-kabilang mga pambabatikos. Dahil sa mga larawan na ni-like ng aktres ay pinag-initan umano si Julia ng mga tao at siyang pinagbibintangan sa hiwalayan nila ni Gerald.


Gayunpaman, alam ni Julia na silang tatlo ay pare-parehong nasaktan sa kinasangkutan nilang gulo. Dagdag pa nito,

“She’s hurting, he's hurting, but so am I. I'm really in so much pain right now. But kailangan magpakatatag, e…

“We have to get back on our feet, and move forward, and heal from this. Wala kaming choice. We just have to respect each other's pain.

“Everyone is hurting. Hindi madali yung pinagdadaanan naming tatlo.”

Source: PEP

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment