Friday, July 10, 2020

Pagbebenta Ng Beef Pares Mami, Diskarte Ngayon Ng Isang Flight Steward


Sa limang taon na pagtatrabaho ni Michael Pornel bilang isang flight steward sa isang lokal na airline company, natigil ito ngayon sa trabaho dahil sa pandemic.

Dahil pansamantalang nawalan ng hanapbuhay, umisip ito ng bagong mapagkakakitaan ngayong panahon ng pandemic. At ang naisip nito?

Paglalako at pagtitinda ng beef pares mami.

Sa halagang Php 1600 hanggang Php 2500, hindi na rin masama ang naging pang-araw-araw na kita ngayon ni Michael. Malaking tulong na umano ito sa kanila dahil kahit may pandemic, hindi naman umano nahihinto ang kanilang mga bayarin.

Lalo na ngayon na buntis ulit ang asawa ni Michael, talagang malaking tulong umano sa kanila ang kinikita nito sa pagbebenta ng pares. Ang pagiging madiskarte umano nito ang nagtulak sa kanya upang magbenta ng beef pares mami bilang kanilang pagkakakitaan sa ngayon.



“Doon mo mava-value every single penny na kinikita mo. Doon mo mare-realize na hindi siya tulad ng dati mong nakasanayan,” ani pa ni Michael.

Ayon kay Michael, noong nag-aaral pa lamang ito ay pares na rin umano ang kanilang naging kainan at minsan ay nakakapagsalba pa sa kanya. Scholar lang din kasi dati si Michael.

Ngayon naman, pares umano ulit ang naging sandalan ng flight steward.

Bago magtinda, inaral umano ng mabuti ni Michael ang pagluluto ng beef pares mami. Hindi naman ito nasayang dahil, sa unang araw pa lamang ng pagbebenta nito ay agad-agad umanong naubos ang kaniyang paninda.

“Hindi ko ini-expect ‘yun na parang ang daming nagkakantiyaw. Nakikit na rin ng mga tao, “ Huy, tingnan mo, dito tayo,” kasi parang ‘yung iba nagsasabi din na gwapo iyong tindero kaya nakaka-attract din daw,” pagkukwento pa ni Michael.


Kaya naman, dahil sa kasipagang ito ni Michael, labis ang pasasalmat sa kaniya ng kanyang misis na si Ma. Kristia Pornel. Dagdag pa nga ni Kristia, dati pa man ay talagang madiskarte na umano si Michael. Kaya naman, saad niya dito,

“Very thankful ako na siya ‘yung head ng family. Hinding-hindi niya talaga ako pinapapabayaan. We appreciate and celebrate you everyday.”

Sa pagiging madiskarteng ito ni Michael, marami sa social media ang nagpahayag ng paghanga dito. Karamihan sa mga ito ay katulad din umano ni Michael na mas pinipiling dumiskarte sa buhay kaysa tumunganga na lamang ngayong marami ang pansamantalang nawalan ng trabaho.

Heto ang ilan sa mga komento na ibinahagi ng mga netizen tungkol sa madiskarteng flight steward na si Michael:

“God bless you Sir. You showed us that you can still SOAR high even if you are down. You are an inspiration. I will tell my children that there are men like you.”



“Admirable. It’s not about the position nor even the nature of work. Attitude, adversity quotient , adaptability and outlook are the things that matter and will spell survival. Cheers to him.”

“This will always remind us that we cannot judge the book by its cover. Kayud lang kuya. There’s a reason for everything and trust that HE will always have the key to your sucess! Bulahan ka nga tao… Godbless!”

“Best thing to do is helping ourselves to live in any way possible…  initiative, determination and faith is what we must have at all times.”

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment