Sunday, July 26, 2020

Kathryn Bernardo’s Dad tungkol kay Daniel Padilla: “Hindi naman Mayabang, Swabe Lang.”


Sa isang pambihirang pagkakataon, nakapanayam ni Kathryn Bernardo ang kanya mismong ama sa harap ng kamera at ipinakilala ito sa publiko. Sa isa sa mga vlog na ibinahagi ng aktres, naging panauhin nito ang kanyang ama na si Teodoro Bernardo.

Maraming mga fans naman ng aktres ang natuwa na makita si Kathryn kasama ang ama nito. Naging mas nakakatuwa pa ang naturang vlog dahil sa mga personal na tanong ni Kathryn sa kanyang ama na hindi naman nito tinanggihang sagutin.

Maliban sa mga bagay tungkol kay Kathryn, sa pagkabata nito, at sa kanilang pamilya, hindi rin naiwasan na mabanggit sa naturang panayam ang tungkol sa kapwa sikat na boyfriend ng aktres na si Daniel Padilla.

Sa vlog, isa sa mga ibinahaging tanong ni Kathryn sa kanyang ama ay kung paano umano nakuha ni Daniel ang tiwala ng kanyang ama para maging boyfriend to ni Kathryn.


Ayon sa tatay ni Kathryn, basta’t iniingatan umano ni Daniel ang anak ay maayos na umano ito rito. Palagi umano nitong pinaaalahanan ang aktor na palaging iingatan at aalagaan ang anak. Isa rin umano ang respeto na ibinibigay ni Daniel sa kanilang mga magulang ni Kathryn ang nagpagaan sa kalooban ng mga ito.

“Show of respect lang,” ani pa nga ni Teodoro.

Tungkol naman sa kung paano umano si Daniel sa kanila, ani ng ama ni Kath ay hindi naman umano ito nayayabangan sa aktor gaya ng sinasabi ng ilan. Sa katunayan, swabe lamang umano ang aktor at hindi rin gaanong matanong. Saad pa nga nito,

“Alam niya yung lugar niya…


“Hindi naman siya matanong, hindi naman mayabang. Swabe lang, okay lang. At saka yung porma naman niya, hindi naman mayabang iyon, natural. Yung iba kapag nakita mo, sasabihin mo mayabang.”

Ang naturang vlog na ito ni Kathryn ay umani na ng mahigit sa dalawang milyong views lang naman, matapos lamang ang halos dalawang linggo nito sa Youtube. Halos umabot na rin sa 200 000 ang mga taong nag-iwan ng like sa naturang vlog.

Maging ang comment section ng vlog na ito ni Kathryn ay binaha rin ng kanyang mga tagasuporta. Marami sa mga ito ang nagpahayag ng tuwa na nakasama ni Kathryn ang kanyang Papa sa naturang vlog.

“That's why Kath is blessed, one can sense her deepest respect and love to her parents. She will be a great parent too someday,” komento pa nga ng isang netizen sa vlog.


“Kathryn's voice saying "Papa" is genuinely adorable,” dagdag komento pa ng isang netizen.

Isa si Kathryn sa mga artistang pinakatinitingala sa kanyang henerasyon. Maituturing rin ito na may pinakamagandang mukha sa halos lahat ng mga artista at nabigyan na rin ng mga pagkilala sa galing nito sa pag-arte.

Ang relasyon naman nito kay Daniel ang isa sa mga hinahangaan sa showbiz dahil sa tibay at parehong pagiging matagumpay ng dalawa sa kanilang larangan.

Panoorin ang buong video sa baba!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment