Sunday, July 26, 2020

Alessandra de Rossi, Nagbahagi ng Kwento ng Isang Pinay sa Iceland na Umano’y Hindi Nagustuhan ang Kanyang Sinabi


Mula nang maging trending sa Pilipinas at pag-usapan ng lahat kung gaano kaganda ang pelikulang ‘Through Night and Day’ nina Alessandra de Rossi at Paolo Contis, ilang mga bagay na tungkol sa pelikula ang masayang ibinahagi ni Alessandra sa publiko.

Dahil sa trending nga ang naturang pelikula, kabi-kabila ang mga tanong ng publiko tungkol dito. Kaya naman, sa Twitter, maliban sa pagbabahagi ng ilang mga bagay tungkol sa ‘Through Night and Day’ ay sinasagot din ni Alessandra ang tanong ng ilang mga netizen.

Minsan, isang fan ng pelikula ang mayroong tinanong kay Alessandra tungkol sa isang eksena dito. Dahil sa naturang tanong, mayroong ibinahagi si Alessandra na isa umanong pangyayari sa Iceland kung saan, isang Pinay doon ang hindi raw nagustuhan ang kanyang sinabi.

Ayon kay Alessandra, sa isa sa mga lugar na kanyang pinuntahan sa Iceland, nakita niya umano ang hawig ng naturang lugar sa Batanes ng Pilpinas. Ngunit, nang marinig umano ito isang Pinay doon, mukhang na-offend umano ito sa ginawang pagkukumpara ni Alessandra sa Iceland at Pilipinas.


“Nong nagpunta ako sa Iceland by myself para mag research ng locations for the shoot, may sumunod don na isang friend ko FROM the US. Sa isang place, basta ineexplain ko sa kanya na, "this part looks like batanes, almost like the Philippines"...

“May biglang humarap sa akin na pilipina at ang sabi ay..... "I paid so much for this trip, you know, I can't believe you're comparing Iceland to the Philippines!" naschock ako and I said sorry and walked away. But in my head.. "Business class ka? Ako, oo. Sagot ng viva films",” pagkukwento pa ng aktres.

Idinaan na lang sa biro ni Alessandra ang pagkukwento sa naturang pangyayari. Dagdap pa nga nito,

“So ayun kasama sya sa experiences ko sa Iceland. Ginawa ko nalang na napaaaway para mainis si Ben. Cinematic tayo! In real life, I don't patola to nonsense. Busy ako.”


Marami naman ang natutuwa sa mga kwentong ito ni Alesndra tungkol sa mga behind-the-scenes ng pelikula. Bunga rin ang mga ito ng saya ng aktres sa tuwing nakakatanggap ng paghanga at papuri ang kanyang pelikula.

Maliban dito, minsan na ring ibinahagi ni Alessandra na ito raw talaga sana ang magiging writer ng ‘Through Night and Day’. Bagama’t kay Alessandra nanggaling ang konsepto ng pelikula, hindi nito itinuloy ang pagsusulat sa buong kwento ng pelikula. Maging ang sana’y pagiging direktor niya sa ‘Through Night and Day’ ay hindi nalang din nito itinuloy dahil natakot umano ito na baka masira ng aktres ang ganda ng pelikula. Saad pa nito,

“Ako dapat magsusulat ng TNAD dahil buo naman na yung kwento sa isip ko. Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako doon, di ko magawa! Pinasulat ko kay @noringai dahil idol/mentor/bff ko sya. Sabi ko, ako nalang magdidirek…


“Noong nabasa ko yung script ni @noringai, na pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin, dahil di ako writer. Natakot ako na baka masira ko yung film. I'm glad si direk Veronica Velasco ang gumawa. Salamat direk and noreen! BUTI NALANG! MAHUSAY!”

Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment