Bagama’t nilinaw ng Kapamilya actor na si Aljur Abrenica na sang-ayon itong mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN, hindi naman ito hayagang ipinaglalaban ni Aljur at sinabing hindi niya umano ito laban.
Ang pahayag na ito ni Aljur ang naging dahilan ng mga dismayadong pahayag ng mga Kapamilya artist at maging mga taga-suporta ng ABS-CBN sa kanya.
“Well, we have our own fight. Hindi naman sa hindi ako vocal... actually, pro-franchise po ako. Siyempre, that’s my mother network now. Marami rin silang naitulong sa akin…
“Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight,” diretsahan pang pahayag ni Aljur tungkol sa isyu na kinakaharap ng ABS-CBN.
Ayon sa aktor, ang nangyayari umano ngayon sa TV network ay nakikita niya umano bilang isang pagkakataon upang maitama at mas maging mabuti pa umano ang TV network. Dagdag pa nga nitong saad,
“Matagal na yung nangyayari. I don’t know the details… Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera. So I’m really looking forward, how I see this scenario is the opportunity talaga to cleanse, and the opportunity to get better as a network…
“Every case naman na ganito, may opportunity to make everything better. Yun na lang ang tinitingnan ko. Para malaman niyo ang side ko, pro-franchise ako.
“Pero it’s beyond me. May mas malalim pa kesa sa ipaglalaban ko sa franchise."
Isa ang ABS-CBN writer at media coordinator na si James Banaag sa mga sumusuporta sa network na hayagang inilabas ang pagkadismaya sa sinabing ito ni Aljur.
Sa isang pahayag na kanyang inilabas sa Twitter, ayon kay James ay nalulungkot umano itong malaman na mayroong mga artista ng ABS-CBN, kagaya ni Aljur, na hindi pala umano naiintindihan ang kanilang ipinaglalaban.
Sinuportahan naman ng aktres na si Liza Soberano ang naging rekasyon na ito ni James tungkol kay Aljur.
Sa isang simpleng ‘ouch’, inihayag ni Liza na kagaya ni James ay dismayado at nalulungkot din ito sa inihayag ng aktor tungkol sa kinakarap na isyu ng ABS-CBN.
Di katulad ni Aljur, si Liza ay isa mga Kapamilya artist na hayagang ipinapakita ang kanyang pagsuporta sa ABS-CBN na maibigay rito ang hinihingi nilang parangkisa. Hindi nag-aatubili ang aktres na makiisa sa mga protesta, online man o offline, para sa kanilang ipinaglalaban.
Kaya naman, hindi na rin nakakagulat ang inilabas na reaksyon ng aktres sa pahayag ni Aljur tungkol sa kanilang TV network.
Ayon sa ilan, maaari umanong mayroong kinalaman ang paniniwalang ito ni Aljur tungkol sa ABS-CBN sa kanyang biyenang si Robin Padilla. Si Robin ay ang ama ng asawa ni Aljur na si Kylie Padilla, isa ring aktres.
Para kay Robin, bagama’t sang-ayon din ito na mabigyan ulit ng prangkisa ang ABS-CBN, gusto nito na pagbutihin muna ng kompanya ang kanilang serbisyo at harapin din ang mga ibinabatong alegasyon dito katulad na lamang ng umano’y hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Sa pananaw ng ilan, malaki umano ang posibilidad na naapektuhan at naimpluwensyahan ni Robin ang opinyon ni Aljur tungkol sa ABS-CBN kaya ngayon ay pareho na ang mga ito ng pananaw tungkol sa kinakaharap nitong isyu.
Source: PEP
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment