Monday, July 20, 2020

MYMP, Banned din Umano sa ABS-CBN Gaya ni Daryl Ong


Kung matatandaan, ilang linggo lamang ang nakalipas ay ibinahagi sa publiko ng singer na si Daryl Ong ang tungkol umano sa pagkaka-ban nito sa ABS-CBN. Ito umano ay dahil sa isang hindi pagkakaintindihan na nangyari sa pagitan nito at ng ABS-CBN.

Ngunit, hindi lamang pala umano si Daryl Ong ang nakaranas ng ganito sa ABS-CBN dahil, ayon mismo sa leader ng bandang MYMP na si Chin Alcantara, sila rin umano ay na-Daryl Ong ng ABS-CBN.

Ang pinakabagong pangyayari umano sa banda na mayroong kinalaman sa pagkaka-ban nila sa naturang network ay ang naudlot nilang guesting sa MOR. Ayon kay Chin, isang oras na lamang umano ang pagitan ng naturang guesting nang bigla umanong may tumawag sa kanila at sinabing hindi na ito matutuloy. Ang dahilan umano nito ayon mismo sa MOR ay dahil sa problema raw ng ABS-CBN kay Chin at sa MYMP.

“Sinabi nila ‘yung one hour before ‘nung guesting on the day itself. So walang explanation, walang kahit ano. Na-Daryl Ong kami. ‘Yung MYMP, na Daryl-Ong,” pagkukwento pa ni Chin.


Maliban dito, noong nakaraang taon lamang ay nag-guest umano ang MYMP sa iWant ASAP upang i-promote ang kanilang kanta. Ang iWant ASAP ay napapanood lamang sa Youtube. Ngunit, nagulat nalang din umano ang MYMP nang wala pang isang buwan ay binura umano nito sa Youtube ang naturang guesting.

Ang lahat ng ito marahil ay dahil umano sa kung anumang isyu na namamagitan sa kanila at ng ABS-CBN. Ayon kay Chin, alam niya umano na mayroong isyu sa kanya at sa MYMP ang ABS-CBN ngunit, hindi niya umano alam kung ano talaga ang dahilan kung bakit bigla nalang silang na-ban sa network.

Sampung taon na umano ang lumipas mula nang una silang nagkaroon ng isyu ng network. Regular umano ang MYMP sa ABS-CBN kasama ang dati nilang bokalista na si Juris Fernandez. Ngunit, nang umalis umano sa banda si Juris, bigla na lamang umano silang hindi pinagperfrom ng ABS-CBN sa ASAP. Ang huli umano nilang paglabas sa programa ay noong ini-launch nila ang singer na kapalit ni Juris sa MYMP.


“Ang pakiramdam ko, unfair, kasi bakit kami iba-ban? Anong dahilan? Dahil ba si Juris ay hawak na ng ABS-CBN tapos kami… independent kami, iba ‘yung manager namin, hindi under ABS-CBN? Hanggang haka-haka nalang kami,” saad pa ni Chin.

Dagdag pa nito, kahit mayroon umanong kontrata ang MYMP sa Star Records na sakop din ng ABS-CBN, sa loob ng dalawang taon ay wala umano silang album na nagawa o anumang progreso sa kanilang banda. Nang gusto na umano nilang umalis sa Star Records upang makapagpatuloy sila sa banda kasama ng bago nilang singer, hindi rin naman umano sila pinayagan nito.

“In short, ang term dun ay finreeze nila ako atsaka ‘yung MYMP for two years. Kaya si Juris nakagawa ng album… tumakbo ang career. Samantala ang MYMP, naka-freeze ‘yan kahit may bago kaming singer. Hindi kami ginawan ng album ng Star Records. ‘Yun iyong mas masakit ‘dun,” dagdag pa ni Chin.

Bagama’t mayroon naman umano silang karapatan na ilaban ang mga ito sa korte dahil hindi na umano tama ang ginagawa ng ABS-CBN sa MYMP, nagdesisyon umano sila ni Chin na pabayaan na lamang ito. Alam umano nila na sa laki ng kompanyang ABS-CBN ay tatagal lamang ang kaso kaya nanahimik na lamang sila.


Nakabangon na rin naman umano ang banda mula rito kaya naman, hindi nalang din sila nagsalita. Ngunit, dahil umano sa mga ibinahagi ni Darylo Ong, nakapagdesisyon na rin ito na ikwento ang pangyayari para na rin sa mga taong nagtataka kung bakit sila nawala sa ABS-CBN.

“Sa mga matagal nang nagtataka at nagtatanong kung bakit bigla na lang kami nawala sa ASAP at sa halos lahat ng shows ng ABS-CBN, ito po ang kwento namin. Akala namin ay na-resolba na nang paglipas ng panahon ang conflict samin ng ABS-CBN. Hindi pa pala. Sa amin ay lumipas na yun at napatawad na namin kung ano man ang naidulot samin na sakit. Sana mag move on na lang din sila…,” ani pa ni Chin at ng MYMP.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment