Thursday, July 9, 2020

Nadine Lustre, Hindi Pinalagpas Si Jobert Sucaldito Matapos Itong Magsalita Laban Sa ABS-CBN Sa Kongreso


Hindi pinalagpas ng aktres na si Nadine Lustre ang mga pahayag ng suspendidong news anchor sa DZMM na si Jobert Sucaldito laban sa ABS-CBN at sa isyu ng franchise renewal nito sa Kongreso.

Nitong ika-29 ng Hunyo, naimbitahan si Jobert sa House of Representatives na magsalita sa hearing ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Dito, isinaad ni Jobert ang tungkol sa ilegal na pagkakasuspendi umano ng kanyang kontrata sa ABS-CBN matapos ang kanyang naging pahayag dati kay Nadine.

Kung matatandaan, minsang sinabihan ng dating news anchor si Nadine na sana ay tumalon na lamang umano ito sa building.

Ayon sa kanya, hindi niya naman umano intensyon noon na himukin ang aktres na magpakamatay. Hindi rin umano siya binigyan ng pagkakataon ng ABS-CBN na magpaliwanag bago siya nito sinuspendi sa kanyang programa at pati na rin sa kanyang kontarata.


Ang nangyari umano sa kanya ay isang ‘illegal dismissal’ at naging malupit umano ang network sa kanilang naging desisyon.

“Nalulungkot ako lalo every time I would hear Sir Carlo Katigbak saying that they are concerned about the people who will lose jobs kasi kawawa naman sila, walang makain. But what about us… Napakaharsh ng inyong desisyon. Napakacruel ninyo,” pahayag pa umano ni Jobert sa Kongreso.

Hindi naman nagustuhan ni Nadine na ginamit ni Jobert ang naturang isyu upang magsalita laban sa ABS-CBN. Kaya naman, sa kanyang Instagram stories, naglabas ng pahayag ang aktres tungkol sa mga inilabas na pahayag ni Jobert sa naturang hearing.

Hindi dito pinalagpas ni Nadine ang pagiging ‘unashamed’ umano ni Jobert sa mga sinabi nito.

“You’re not seeing the bigger picture, Mr. Sucaldito. It’s messed up how you are completely unashamed of what you said,” ani pa ni Nadine.


Hindi kailanman tama ang mga sinabi ni Jobert sa kanya kaya hindi makapaniwala ag aktres na nagagawa pa nito na muling idepensa ang sarili sa kabila ng mga sinabi nito kay Nadine. Saad pa nito,

“It’s never okay to push someone to commit suicide. I can’t believe you’re using this issue to fight our home network whose only objective is to protect us.”

Ayon kay Nadine, hindi ‘illegal dismissal’ ang nangyari kay Jobert dahil ang pagkakatanggal nito sa trabaho ay bunga ng mga maling sinabi ng news anchor. Dagdag pa ng aktres, hindi niya rin umano maintindihahan kung bakit na imbitahan pa si Jobert sa Kongreso.

“Kahit pagbali-baliktarin mo, mali ‘yung sinabi mo. Inalis ka sa trabaho dahil MALI ‘YUNG SINABI MO and how is this even on Congress?! Someone enlighten me. PLEASE….

“Ikaw na nga ‘yung sinabihan na tumalon tapos parang kasalanan mo pa?? I’m sick and tired of these boomers treating mental issues like it’s a mf joke.


“Ayoko na. ‘Di ko na kaya mga ganap mumsh!,” sunod-sunod pang banat ni Nadine kay Jobert.

Sinuportahan naman ng mga netizens si Nadine sa mga pahayag niyang ito laban kay Jobert na hindi lamang umano para sa kanyang pansariling kabutihan kundi tumatalakay rin umano sa kahalagahan ng mental health.

Source: showbiztrendz
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment