Wednesday, July 8, 2020

Misis, Hindi Nagustuhan Ang Pagkuha Ng Larawan Ng Kanyang Mister Sa Babaeng Pinagdalhan Nito Ng Order


Binabatikos ngayon ng mga netizen ang Facebook post ng isang Marites Solomon na hindi umano nagustuhan ang ginawang pagkuha ng larawan ng kanyang asawa sa isang costumer nilang babae.

Ayon kay Marites, dahil abala ay inutusan niya umano ang kanyang mister na maghatid o magdeliver ng order sa kanilang mangga ng isa nilang customer.

Ngunit, nagulat na lamang umano ito nang makita sa cellphone ng asawa ang mga larawan ng naturang customer nilang babae.

Sa mga larawan na ibinahagi ni Marites, makikita at malinaw na wala namang kaalam-alam ang kanilang customer na kinunan pala ito ng larawan ng mister ni Marites.

Ngunit, imbes na sa kanyang mister magalit, sa babaeng nasa larawan pa inihayag ni Marites ang kanyang pagkadismaya. Ani pa nito sa kanyang Facebook post,


“Sa mga customers natin dyan, ‘wag gayahin ito. Sana man lang ayusin mo panamit mo babae ka, alam mo may magdedeliver sayo. Magsuot kayo ng maayos customers. Nakita ko to sa cp mismo ng asawa ko. Hindi ko alam bakit niya pinicturan. Lalaki eh. Sya kasi pinagdeliver ko kasi madami ako inaasikaso.

“Be aware customers!”

Kung tutuusin, wala naman umanong kasalanan ang babae na tinanggap lamang ang idineliver ditong order. Nasa bahay ito kaya natural lamang umano para dito ang magsuot ng ganoon.

Ang problema umano ay nasa mister ng naturang Marites na binigyang malisya ang kasuotan ng babaeng nasa larawan.

Kaya naman, naging trending ang post na ito ng nasabing Marites dahil sa dami ng mga pambabatikos na natanggap nito.


Hindi nagustuhan ng maraming netizen na sa naturang babae nito ibinunton ang kaniyang galit gayong klaro pa umano sa sikat ng araw na wala itong kasalanan.

Ani pa ng iba, ang pagbabahagi umano ni Marites ng naturang mga larawan sa social media ay nakadagdag lamang sa malaking mali na ginawa ng kanyang asawa dahil walang kaalam-alam ang kanilang customer sa larawan nito.

Halatang nagseselos lamang umano ang naturang Marites sa mga larawang nakita sa cellphone ng asawa. Ang asawa naman umano nito ay mukhang mayroon umanong seryosong problema dahil sa malisyosong pagkuha nito ng larawan sa naturang babae.

Baka raw talagang babaero lamang ang mister nito kaya dito dapat umano ibaling ng naturang Marites ang kanyang galit.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen tungkol sa ibinahaging Facebook post ng Marites na ito:



“Insecure ang *****. Maganda at seksi kasi ‘yung babae hahaha maniac lang talaga siguro asawa mo Marites Solomon.”

“Hello entitled masyado si ate na nag-post, papansin sa social media. Ate pagtuunan mo ang asawa mong babaero. Wala ako nakita sa damit niya na mali para punahin. Ganyan din magsuot ang kilala kong mga babae. Wala sa damit ‘yan. Nasa asawa mong may pagnanasa ang may kasalanan.”

“Wala naman mali sa suot ng babae... Insecure ka lang siguro at madumi utak mo kaya ganyan ka mag isip... Lalo mo lang pinahiya sarili mo at katawa tawa.”

“Sa ginawa nilang mag-asawa, pwede silang sampahan ng kaso. ‘Wag pairalin ang kamanyakan mister at misis huwag insecurada.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment