Sunday, July 26, 2020

Sa Canada: Isang Pinay, Nakaranas ng Diskriminasyon at Pambabastos sa Isang Canadian


Nakunan ng video ng isang Pinay sa Canada ang umano’y nangyaring pambabastos at diskriminasyon sa kanya ng isang Canadian doon.

Sa Facebook post ng naturang Pinay, bagama’t hindi umano nito nakunan ang mga naunang pangyayari ay ibinahagi naman nito ang ginawa umano ng naturang lalaking banyaga na nagresulta sa diskriminasyon, pambabastos, at pagkakaroon pa ng pasa ng Pilpina.

“This sh*t happened around 9:15pm. So this guy is trying to hit on me. My brother Jasper pretended that he is my boyfriend. But he still told me that "You know that I can f*ck you real good." Since I don't want to give my number, he keep on insisting to give his number to me. I just told my brothers to ignore him…

“We're supposed to go downstairs already but he is really being disrespectful and saying racial slurs like "Go back to your country!", "This is Canada, not Wuhan. You spread the virus." He even ask Jasper, "do you even have a car?", "do you even have a license?" "You're not even Canadian.",”pagkukwento pa ng Pilipinang si Patricia Anne sa nangyari sa kanya.


Ayon sa Pinay, matapos umanong maging ‘racist’ at bastos ng naturang Canadian, hindi pa umano ito nakuntento at sinubukan pa nitong saktan si Patricia. Inatake umano siya nito kaya nagkaroon siya ng pasa na hindi niya umano napansin noong una dahil sa naramdamang takot.

Sa video na nakunan ni Patricia, makikita ang naturang lalaki na pinagbabantaan ito na papatayin. Pauli-ulit niya itong sinasabi habang patuloy rin na nilalait ang Pinay.

“I'll kill you. I'll f*cking decapitate you…

“Filipino little b*tch…


“Get the f*ck out of Canada,” ilan pa sa mga salitang ibinato ng Canadian sa Pinay.

Dahil dito ay tumawag umano sina Patricia sa 911 ngunit, isa umano sa mga kapitbahay nito ang lakas-loob na tumulong sa kanila. Ayon pa nga kay Patricia, dahil sa ginawa nitong pagprotekta sa kanila ay nakalimutan pa umanong isuot ng kanilang kapitbahay ang kanyang tsinelas.

“Kudos to the guy from bldg K. He even forgot to wear slippers just to ask if we're okay and protected and stood up for us from this psycho,” ani pa nito.

Laking pasasalamat umano nito sa naturang kapitbahay sa pagtatanggol nito sa kanila mula sa naturang lalaki na umatake sa kanya. Bagama’t napuno ng takot ay napakalma umano nito ang Pinay dahil sa ginawa nitong pagtatanggol.


Samantala, ayon kay Patricia ay nahuli at naaresto na umano ng mga awtoridad ang naturang Canadian at sinampahan na rin umano ito ng kasong ‘assault in addition to uttering threats’.

Dahil naging trending ang naturang Facebook post ni Patricia tungkol sa nasabing pangyayari, marami ang nagpapaabot dito ng mensahe tungkol sa pag-aalala sa kalagayan nito.

Nagpapasalamat naman umano ang naturang Pinay sa lahat ng mga nagpaabot sa kanya ng mensahe na malaking tulong umano sa kanya.

“I just want to thank everyone for your heart warming messages! I really appreciate it. Can't express how thankful I am and it really helped me alot to cope up with the incident. Please keep safe everyone,” mensahe pa nga nito.

Panoorin ang buong video dito!

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment