Kabi-kabila na ang mga post sa social media ng mga taga-Cebu tungkol sa isang babae umano na isa palang scammer. Iisang babae lamang ang pinaghahanap ng mga taong ito na pawang nabiktima umano ng naturang babae.
Ang scammer ito na kanilang tinutukoy ay ang isa umanong babae na nagngangalang Mae Bendanillo. Ngunit, ayon sa ilan ay hindi umano ito ang totoong pangalan ng naturang scammer. Ang totoo umano nitong pangalan ay si Kimberly Mae B. Borbon.
Ngunit, maliban dito ay mayroon ding iba pang mga pangalang lumilitaw. Pareho lamang ang modus ng mga ito at base sa mga ibinahaging paglalarawan, iisa lamang si Bendanillo at ang iba pang mga scammer na tinutukoy. Pare-pareho ang pagkakalarawan ng kanyang mga biktima sa scammer na ito: bata at mayroong tattoo sa katawan.
Ayon sa mga ibinahaging kwento ng ilan sa mga nabiktima nito, isa umanong online seller si Bendanillo na nagbebenta ng mga mamahaling cellphone sa mababang presyo. Ngunit, matapos umanong matanggap ng scammer ang bayad sa mga produkto, nagugulat na lamang umano ang mga biktima dahil hindi ang kanilang biniling cellphone ang dumarating.
Hindi nakakatawa ang tumanggap ng mga bagay tulad ng mansanas (apple) at kape imbes na ang mga mamahaling cellphone na kanilang inorder. Imbes umano na cellphone ang nasa loob ng mga ‘box’ na kanilang natanggap ay iba’t-ibang mga bagay umano.
Mayroon pa nga umanong pagkakataon na maruming damit ang dumating sa mga biktima imbes na ang produkto na kanilang binili.
Maliban dito, bogus buyer din umano ang babae. Hindi umano ito nagbabayad at magaling magsinungaling. Mayroon na rin umano itong nabiktima sa simpleng pagrerenta niya umano ng kwarto. Tumira lamang umano si Berdanillo sa naturang paupahan nang hindi man lang nagbabayad at basta-basta na lamang tinakasan ang may-ari.
Madalas umano nitong ginagamit sa panloloko ay ang pagpapaawa sa kanyang mga biktima. Magaling umanong umarte at makipagkaibigan ang babae kaya marami itong nabibiktima. Minsan umano ay sinasabi nitong buntis siya o di kaya ay kailangan niya umano ng pambili ng gatas ng kanyang anak.
Isa rin sa mga umano’y madalas na biktima ng babae ay ang mga delivery driver. Karamihan umano sa mga nabibiktima nitong driver ay mula sa Maxim Driver sa Cebu. Ilang driver na rin ang nagreklamo tungkol sa pagkakabiktima sa kanila ng naturang babae.
Dahil sa kalat na umano ang modus ni Bendanillo at pinaghahanap na ito ng marami, madalas umano kapag gumagawa ito ng transaksyon ay nagsusuot ito ng jacket dahil madali umano itong nakikilala kapag kita ang kanyang mga tattoo.
Ayon sa mga biktima nito, sigurado silang nasa Cebu lamang umano ang scammer. Pakiusap naman ng mga ito kay Bendanillo, magpakita na ito at nang maibalik na ang mga perang naloko nito sa kanila.
Hinihiling din ng mga ito sa mga awtoridad na mahanap si Bendanillo at nang matigil na ito sa kanyang maling gawain. Sa ngayon, patuloy pa rin na pinapakalat ang iba’t-ibang Facebook post ng mga nabiktima ni Bendanillo at nang tuluyan na itong mahuli.
Ayon sa mga netizen, bagama’t hindi kasalanan ng mga biktima na sila ay naloko, pagkakamali rin umano ng mga ito ang agad na pagtitiwala. Kaya naman, ang aral na natutunan ng mga ito sa naturang pangyayari ay ang hindi umano dapat pagtitiwala ng basta-basta lalo na sa panahon ngayon na laganap ang krimen at panloloko.
Source: facebook
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment