Tuesday, July 21, 2020

Seaman, Pinerahan ng Magandang Girlfriend Bago Iniwan sa Ere


Nakakalungkot isipin na mayroong mga tao na nagagawang manlamang ng kanilang kapwa sa kabila ng pagmamahal na ibinigay sa mga ito.

Ganito ang sinapit ng buhay pag-ibig ng isa umanong seaman na iniwan ng kanyang kasintahan matapos siyang lokohin at perahan nito.

Hindi inakala ng marinong ito na dalawang linggo lamang umano matapos ang kanilang hiwalayan, bigla na lamang niyang malalaman na ikakasal na pala ang dating girlfriend.

Ayon sa naturang seaman, lahat naman umano ay ibinigay niya sa naturang babae. Minahal niya ito ngunit, iba pala ang naging motibo sa kanya ng dating karelasyon. Pinakamasakit umano na bahagi ng ginawa nito sa kanya ay nang malaman na ikakasal na agad sa ibang lalaki ang dating girlfriend.


Ang akala niya umano ay nasaktan din ang dating kasintahan sa kanilang paghihiwalay ngunit, malayong-malayo dito ang kanyang natuklasan.

“The most painful part na malalaman mo ang girlfriend mo, engaged na sa iba. Akala ko pa naman nadepress ka dahil naghiwalay tayo…

“Nagtatanong pamilya ko at nagsinungaling pa ako sa kanila para walang masabi sa’yo. Two (2) weeks pa lang ‘nung hiwalayan mo ‘ko, ngayon pala ikakasal ka na,” paglalahad pa ng seaman sa nangyari.

Ngunit, mayroon pa umanong mas masaklap na nangyari sa hiwalayan ng mga ito. Ayon sa kwento ng seaman na ibinahagi niya sa Facebook, lumalabas na pinerahan lamang siya ng naturang babae.

Maliban sa panloloko nito sa marino tungkol sa nalalapit nitong kasal sa ibang lalaki, malaking pera rin pala ang nakuha umano nito sa kanya. Kaya naman, hiling ngayon ng seaman na bayaran umano ng dating girlfriend ang utang nito sa kanya na umaabot daw ng Php 150 000.



“Magbayad ka ng utang. May pangkasal ka, dapat may pambayad ka. 150k din ‘yan. After DDT lahat-lahat binigay ko sa’yo. Kung naging totoo ka sa’kin edi sana ‘di tayo aabot sa ganito,” dagdag pa ng nasabing seaman.

Hindi pa dito natatapos ang inilahad ng naturang lalaki dahil, maliban umano sa panloloko at perang inutang nito sa kanya, siniraan pa umano siya ng dating girlfriend. Hindi naman umano siya masamang tao ngunit nagawa ito sa kanya ng dating karelasyon. Ani pa nito,

“Sinisiraan mo pa ako sa mga ka-work mo na kaya ka nag-resign dahil natatakot ka sa’kin. ‘Di ako masamang tao at ngayon lang magiging masama. Diyos na bahala sa’yo.”

Nakuha naman ng kwentong ito ang atensyon ng maraming mga netizen sa social media. Marami sa mga ito ang hindi nagustuhan at nagsaad din ng galit sa ginawa ng babaeng ito sa naturang seaman.



Sa mga larawan na ibinahagi ng marino, makikita na naging maayos naman ang relasyon nito sa dating girlfriend. Wala umano sa mukha ng babae na kaya nitong manloko ng kapwa. Kaya naman, masakit isipin na nagawa ito ng naturang babae sa kanya.

Ayon sa mga netizen, ang nangyari umano sa naturang seaman ay isang aral na huwag agad-agad magtiwala sa mukha ng isang tao. Gaano man kaganda o kagwapo ng isang tao ay kaya din nitong manlamang ng kapwa.

Sa pagmamahal, hindi lamang umano dapat panlabas na anyo ang maging basehan dahil dapat munang kilalanin ang isang tao bago ito tulyang mahalin at pagtiwalaan.

Source: mostrendingph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment