Wednesday, July 1, 2020

Sharon Cuneta, Emosyonal Sa Pagkukumpara Sa Kagandahan Ni KC Kay Frankie; "Obvious Ba, Matinee Idol Tatay Ni KC"


Hindi na napigilan pa ng Megastar Sharon Cuneta na maging emosyonal sa kanyang Instagram Live nitong ika-29 ng Hunyo.

Dito, inilahad ni Sharon ang kanyang saloobin tungkol sa mga pambabatikos na natatanggap umano ng kanyang anak na si Frankie online. Isa rin sa lalong nagpaiyak sa Megastar ay ang mga pagkukumpara ng mga netizen kay Frankie sa isa niya pang anak na si KC Concepcion.

Si KC ay ang panganay na anak ni Sharon sa dati nitong asawa na si Gabby Concepcion habang si Frankie naman ay isa sa mga anak ni Sharon sa kasalukuyan nitong asawa na si Sen. Kiko Pangilinan.

Hindi na napigilan pa ni Sharon na maiyak sa harap ni Frankie habang inilalahad niya ang kanyang saloobin dito. Bilang ina, nasasaktan umano si Sharon sa mga pagkukumpara sa dalawang anak na nakikita nito sa social media.

Pinakamalaking ikinukumpara sa mga ito ay ang pagkakalayo umano ng itsura ng dalawa.


“It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another. Why are you so bad? Why are you doing that to my children? ‘Wag niyo silang pag-awayin. Wag niyo silang siraan…

“Gumagawa kayo ng istorya. Nao-offend ako for Frankie. Hindi man siya kasingganda ng ate KC niya, natural hindi naman matinee idol ang tatay niya. Pero iba naman ang ganda niya,” ani pa ni Sharon.

Sa kalagitnaan ng kanyang Instagram live ay pumasok sa kwarto ni Sharon ang anak na si Frankie. Dahil dito, hindi na napigilan pa ng megastar ang kanyang luha. Nasasaktan umano ito sa mga hindi magagandang salita na ibinabato kay Frankie.

“Ganoon kasama ang tao,” saad pa ni Sharon.

Ani naman nito kay Frankie,

“When I see Frankie's face, I just break down… I'm so sorry, honey. You don't deserve that…

“You're very pretty, honey. Each of you has your own kind of beauty. It's like a stab in my heart, because you both came from here, the three of you.”


Mula nang matapang na inilabas ni Frankie ang kanyang opinyon tungkol sa mga kaso ng rape sa bansa, hindi na ito tinantanan pa ng mga bashers sa social media.

Hanggang sa umabot na ang mga pambabatikos na ito sa pagkukumpara sa kanya sa kanyang kapatid na si KC na umano’y mas maganda at ibang-ibang kaysa kay Frankie.

Sa lahat ng mga ibinabatong ito kay Frankie, nakasuporta at laging nandyan ang kanyang ina na si Sharon. Kaya naman, nang dalawang anak na nito ang nasama sa usapan, mas naging emosyonal pa ito sa paglalahad ng saloobin.

“And in the end, that's not what matters. Physical beauty fades. She's really beautiful, but they shouldn't do that to sisters, they shouldn't do that to children, they shouldn't do that to women. I am your mother. I am KC's mom, I'm your mom, I'm Yellie's mom. How dare they. I love you all equally…


“Please don't do that to my children. Ako na lang pintasan niyo. How dare you. Pag-aawayin niyo 'yung magkapatid. Ako po ang nagsilang sa mga 'yan. Hindi po ganoon ang pagpapalaki ko sa mga anak ko,” dagdag pa nito.

Sa kanyang Instagram live, hiniling din ni Sharon na sana raw ay magsalita at ipagtanggol umano ni KC ang nakababata nitong kapatid. Saad nito,

“I wish ate [KC] would say something and come to the rescue of everybody... I wish ate would come out and say ‘Stop doing this to my mom and to my sister…

“At the same time, I don’t want her to get involved because then they’ll pick on her.”

Panoorin ang buong video dito!



Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment