Sunday, July 12, 2020

Sinulog Festival Queen 2020 Monika Afable, Nagbebenta Ng ‘Siakoy’ Sa Mga Kapitbahay Upang Kumita Ng Pera ( 5 Pictures )


Hinangaan at umani ng maraming papuri ang hinirang na Sinulog Festival Queen 2020 na si Monika Johnson Afable ng Borongan, Eastern Samar dahil sa kababaang loob na kanyang ipinamalas.

Trending kamakailan si Afable nang kumalat ang mga larawan nito kung saan, makikita ang beauty queen na nagbebenta ng ‘siakoy’ o ‘pilipit’ sa kanilang lugar sa Eastern Samar.

Dahil mayroong pandemic at apektado ang halos lahat ng hanapbuhay, ang pagbebenta o paglalako ng ‘siakoy’ ang naisipan ni Afable upang kahit papaano ay kumita ng pera at makatulong sa kanyang pamilya.

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng isang Sisa Balan na umano’y kaibigan ni Afable, inilarawan niya ang beauty queen bilang isang mapagmahal at mabuting anak.

Inihayag din nito sa naturang Facebook post kung gaano nito ipinagmamalaki si Afable. Maliban dito, nagbahagi din si Balan ng mga larawan ni Afable kung saan, makikita ito na dala-dala ang pagkaing kanyang inilalako sa kanyang mga kapitbahay sa Ando Island, Borongan City.



Kaya naman, naging trending agad ang naturang post at nakuha ang atensyon ng maraming netizen.

“Thank you Monika Afable, maupay ka nga bata. Proud na proud ako sa’yo, hindi ka nagbago. Si Monika ka pa rin na mapagmahal, kahit mangitim sa init ng araw, sige ka lang kasi mabuti kang anak,” saad pa ni Balan tungkol kay Afable.

Ang kababaang-loob na ipinamalas ni Afable ay labis na hinangaan ng marami. Maging ang iba’t-ibang mga ‘pageant websites’ ay naagaw din ang atensyon sa ginawang ito ni Afable at lubos na hinangaan ang pagiging madiskarte at kababaan umano ng loob nito sa kabila ng mga parangal na kanyang natanggap.

Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizens sa viral Facebook post na ito tungkol kay Afable:

“So proud of you our dearest Pangga.. So proud aunt-in-law here…  A role model in the midst of pandemic. A role model for teenagers… Walang bahid ng kaartihan… SALUTE!!!”

“That is real beauty and attitude there! Go Queen!”


“Such an inspiration! Hindi maarte proud sa kung anong meron masipag. I salute you ate girl! Hindi gaya ng iba na feeling rk wala naman ibubuga hehe. God bless you po!”

“I must say how she holds the white container and how her one leg is one step forward than the other tell me that she really is a pageant winner…

“But her hard work and decent source of income  make her a true queen, both in pageant and pandemic times. Wear that crown, girl!”



Pinaka nakilala si Afable nang ito’y manalo bilang Sinulog Festival Queen 2020 sa Cebu. Maliban dito, nabigyan din ng pagkakataon si Afable na irepresenta ang ang Cebu sa Miss Millenial Competion ng programang Eat Bulaga.

Taong 2018 umano nang unang sumali si Afable sa mga beauty pageants. Ilan sa mga napanalunan niyang beauty pageants ay Miss ESNCHS, Miss Ando Island, Miss BodyShots (Locsoon), Mutya han Bugas, Miss ESBL 2019, Binibining Baysay Borongan 2019, at Bb. Silangang Samar Turismo.

Para sa karamihan, tinataglay ni Afable ang panloob at panlabas na kagandahan ng isang tunay na beauty queen.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment