Isang Chinese National ang lumapit kamakailan lang sa programa ni Raffy Tulfo upang humingi ng tulong rito kaugnay ng kanyang asawang Pinoy.
Ayon kay Daniel Sun, gusto niya umanong magkaroon ng kustodiya sa kahit isa man lang sa dalawa nilang anak ng Pinay niyang asawa na si Rachel Atian. Ngunit, ayaw itong ibigay ng ina ng mga bata.
Hiwalay sila ngayon ng asawang Pinay dahil sa pinagkakaisahan umano ng mga ito si Daniel. Ayon dito, naging mabuti naman umano siyang asawa kahit panay umano ang hingi ng pera ng misis at ng pamilya nito.
“I come here. I bought house. I help them. I support them. I lost too much money. Now, they want [to] kick me out. They want me [to] go back to my country alone,” ani pa nito.
Kasal sa China sina Rachel at Daniel. Pawang Chinese citizens ang kanilang dalawang anak dahil sa China isinilang ang mga ito.
Gusto na umanong umuwi ni Daniel sa China at maisama doon kahit ang panganay lamang nito. Dahil sa siya ay isang banyaga at Chinese, wala na siyang malapitan pa kundi si Tulfo.
“When we marry in China, my wife is a simple girl. But when we came here in the Philippines, because I’m Chinese, her father always think Chinese people are all rich.
“Her father always teach her to get money from me.
“Eventhough I really don’t have too much money because I’m only 28 years old. I need to work for my family, first. But they don’t give me time to earn money,” dagdag pa ni Daniel.
Ayon kay Tulfo, mukhang lumalabas umano na pera lamang ang habol ni Rachel at ng pamilya nito kay Daniel. Kaya naman, talagang nakakaawa umano ang Tsino na itinakwil na lamang matapos silang buhayin nito.
Itinanggi naman ni Rachel ang mga paratang na ito sa kanya ng asawa. Ani pa nito, minsan pa umano siyang hinampas ni Daniel sa ulo. Hindi naman ito itinanggi ni Daniel at sinabing dahil lamang iyon sa mga pang-iinsulto ng mga ito sa kanya at ng pamilya nito.
Ayon kay Daniel, palagi umano siyang iniinsulto at pinagkakatuwaan ng pamilya ni Rachel dahil sa pagiging Chinese nito. Aniya, nang minsang hinampas nito ang asawa ay dahil umano iyon sa pang-iinsulto ni Rachel sa pagiging ampon niya.
Saad ni Daniel, wala na umano siyang pakialam sa lahat ng mga aria-arian o pera na kanyang naibigay sa pamilya ni Rachel. Sa kanila na daw lahat iyon. Ang gusto niya lamang daw at kanya ring ipinagmamakaawa ay ang makasama ang kahit isa man lang sa kanyang mga anak.
Komunsulta naman ang programa sa DOJ at sa isang abogado kung ano ang pwedeng gawin upang matulungan nila si Daniel. Ayon sa mga ito, dahil Chinese citizen naman umano ang mga bata ay may karapatan umano si Daniel na dalhin ang anak sa China.
Nang marinig ito ng Tsino, emosyonal at napaiyak ito sa tuwa na pwede na nitong makita at makasama ang anak. Ayon sa kanya, napakahirap umanong maging banyaga at maging Tsino sa Pilipinas. Marahil ay nasabi niya ito dahil sa lahat ng diskriminasyon at pang-iinsulto na kanyang natanggap sa mga Pilipino.
“Really? Really, sir? No one helps me in the Philippines. It’s very hard to be a foreigner here. I just want [it] to be fair,” emosyonal pa nitong saad.
Hindi niya umano alam kung bakit ito ginagawa sa kanya, eh ang gusto niya lang naman umano ay maging patas ang mga ito sa kanya.
Bagama’t malaki ang laban ni Daniel na makukuha at madadala nito ang anak sa China, gusto umano ni Tulfo na bigyan nila ng pagkakataon ni Rachel ang isa’t-isa na mag-usap at baka sakaling maayos pa umano ang lahat.
Hindi naman nabigo si Tulfo dahil isang linggo matapos nito, isang magandang balita ang dumating sa programa. Nagkaayos na sina Rachel at Daniel at nagkapatawaran na rin ang mga ito.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment