Bagama’t marami ang positibong mga reaksyon na natanggap ng komedyanteng si Vice Ganda sa pagkakaroon nito ng bago at sariling digital network, mayroon umanong iilan na sinasabing inaabandona na umano ni Vice ang ABS-CBN para sa kanyang digital network.
Isa umano sa mga matapang na nagpahayag ng naturang opinyon tungkol kay Vice ay ang beteranang mang-aawit na si Leah Navarro kung saan, sa isang Twitter post ay tahasan nitong sinabi na walang pakialam ang komedyante sa nangyaring shutdown at basta na lamang inabandona ang network.
“No wonder she seemingly ignored the shutdown. To Vice Ganda, ABS-CBN was a cash cow, and once slaughtered by Congress, it was easy to abandon and go her own way. She was never really a #KapamilyaForever,” saad pa ni Leah.
Nakuha naman ng naturang pahayag ang atensyon ng maraming mga netizen at umani ng samu’t-saring mga reaksyon.
Ngunit, dahil sa dami ng mga taga-suporta ng komedyante, agad na ipinagtanggol ng mga ito si Vice mula sa naturang komento na umano’y nang-aakusa tungkol sa pagla-launch ni Vice ng ‘Vice Ganda Network’.
Dito, inilahad ng mga sumusuporta kay Vice ang dahilan kung bakit nagdesisyong gumawa ang komedyante ng sariling digital network.
Hindi umano ito upang talikuran ang TV Network na malaki ang naitulong sa kanya kundi upang makatulong din sa iba pang mga artista na kagaya ni Vice ay apektado rin ng nangyaring shutdown ng ABS-CBN.
Sa isang presscon, ibinahagi mismo ni Vice ang kanyang mga dahilan sa paglulunsad ng sarili niyang digital network. Wala sa mga sinabi ng komedyante ang nagpapahiwatig na iniiwan na nito ang ABS-CBN.
“Dito lahat ang kailangan namin unahin i-accommodate ay yung mga taga-ABS-CBN na wala munang pinagkakakitaan ngayon. Kailangan ko buksan itong proyektong ito para makapag-extend ng help sa kanila…
“Kasama iyon sa secondary objectives ko. First, ang objective ko nga is to make my audience happy. To make my followers happy.
“Second, ang nauna ko nga kasing bahagian ng project na ito ay iyong mga bakla, iyong mga stand-up comedians. Kasi, hindi pa man nagkakaroon ng problema ang ABS-CBN, na-hit talaga ang mga komedyante… So, naisip ko ito para mabigyan sila ng platform na makapag-perform pa ulit,” ani pa ni Vice.
Maliban dito, iginiit din ng komedyante na mayroon umanong basbas ng ABS-CBN at ng kanyang mga boss ang pagla-launch nito ng kanyang sariling network. Taliwas pa rin ito sa isinasaad ni Leah na pag-aabandona ni Vice sa ABS-CBN.
Dagdag pa ng mga ito, suportado umano ng mga ABS-CBN bosses si Vice dahil sa layunin nito na matulungan ang kanyang mga kapwa artista. Isa rin umano ang mga ito sa nagtulak kay Vice na ituloy ang plano.
Hindi katulad ng pahayag ni Leah na walang pakialam ang komedyante sa nangyaring pagpapasara sa ABS-CBN, bilang pagpapakita ng suporta ay minsan pa raw sumali si Vice sa isang rally na naglalayong mabigyan ulit ng prangkisa Kapamilya Network.
Kaya naman, pahayag ng karamihan, wala umanong basehan ang isinasaad ni Leah na ginawang pag-abandona ni Vice sa ABS-CBN dahil ang digital network nito ay ginawa para matulungan ang kanyang kapwa mga artista at hindi upang talikuaran ang mga ito.
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment