Saturday, July 25, 2020

Xander Ford, Buking na ang Umano’y Pagbabakla-baklaan!


Simula pa lamang ay marami na ang hindi naniniwala kay Xander Ford, o dating kilala bilang Marlou Arizala, nang maglabas ito ng anunsyo na ito umano ay miyembro ng LGBTQ+ community at isa siyang bisexual.

Nasundan pa ito ng rebelasyon umano ni Xander sa pagpapakilala nito ng isang lalaki na kanya umanong ‘boyfriend’. Naglabas pa ito ng mga larawan kasama ang naturang lalaki at ipinahihiwatig na sila’y may relasyon.

Ngunit, maging dito ay hindi rin nakuha ni Xander ang tiwala o kahit simpatya lamang ng mga tao. Para sa marami, paraan lamang ito ni Xander upang matakasan ang mga kasong kanyang kinakaharap matapos nitong pisikal na saktan at pagtangkaang gahasain ang kanyang dating nobya.

Kaugnay nga nito, gaya ng inaasahan ng marami, lumabas na ang umano’y katotohanan sa likod ng ‘pagbabakla-baklaan’ ni Xander. Ito ay matapos maglabas ng pahayag ang umano’y totoong girlfriend ng lalaking ipinakilala ni Xander sa publiko.


Sa isang Facebook post, inihayag ng isang Samantha Nicole ang umano’y pagpapanggap ni Xander at ang paggamit nito sa kanyang boyfriend upang takasan ang lahat ng mga nagawa nitong kasalanan.

“Hindi ko na talaga kaya panloloko mo sa mga tao Xander Ford!!! Hindi ko na din kaya panggagamit mo sa boyfriend ko!!!! Hindi ko matiis na makitang kasama ka nya para masabing bakla para masabing sikat ka p*ta ‘yung totoo naman na lalaki ka ayaw mo ipagmalaki…

“Sumuko ka nalang kaysa umabot pa sa korte to pati boyfriend ko pinapahirapan mo,” ani pa ng naturang Samantha.

Dagdag pa nitong saad, hindi na umano nito kaya ang kakapalan ng mukha ni Xander sa panggagamit ng ibang mga tao para lamang takasan ang mga kasalanan nito. Sumusobra na umano ito dahil pati ang sarili niyang account ay hindi niya na rin magamit dahil sa mga pinaggagagawa ni Xander.


Diretsahan pa nitong ani, magpakalalaki na lamang umano ito dahil pati buhay ng iba ay sinisira na ni Xander.

“Hindi ko na kaya kaya magsasalita na ako. Lahat pinilit kong itago pero makita tong mga picture na ‘to para akong binabangungot. Kung ayaw mo makulong, ‘wag ka manggamit ng ibang tao para pagtakpan lahat,” galit pa nitong ani kay Xander.

Ayon kay Samantha, huwag na umanong daanin ni Xander sa pera ang lahat at nakikiusap din ito na tigilan na ang paggamit sa kanyang boyfriend.

Hindi naman gaanong ikinagulat ng publiko ang rebelasyon na ito ni Samantha dahil, simula pa lamang ay malaki na ang hinala ng lahat na kasinungalingan lamang ni Xander ang lahat ng ito. Umani lamang ito ng mas marami pang mga pambabatikos at bashers dahil sa patung-patong na nitong mga kasinungalingan.


Maging ang umano’y pagsisisi at pagmamakaawa ni Xander ay hindi na rin umuubra sa publiko. Dahil sa kanyang mga ginawa, hirap na ngayon ang mga ito na paniwalaan si Xander.

Nais lamang umano ngayon ng publiko na tigilan na ni Xander ang kanyang mga panloloko o mga palusot at harapin na umano nito ang mga kasong isinampa sa kanya. Nais ng karamihan na pagbayaran ni Xander ang umano’y pananakit at pagtatangaka umano nitong panggagahasa sa dating girlfriend.

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment