Matapos kay Kathryn Bernardo, ang isa pang sikat at magaling na aktres mula sa ABS-CBN ang gusto naman umanong makatambal ng Kapuso actor na si Alden Richards.
Pareho umanong naglabas ng interes sina Nadine at Alden na makatambal ang isa’t-isa sa isang proyekto. Ayon sa dalawa, bagama’t hindi pa sila nagkakatrabaho sa isang teleserye o pelikula ay dati na umano silang nagkasama sa ilang mga proyekto.
Isa sa mga pinagsamahan ng dalawa ay nang parehong inendorso nina Alden at Nadine ang isang canned tuna brand kung saan, sa isa mga mga press conference na kanilang dinaluhan ay napag-usapan ang posibilidad na magkasama sila sa isang pelikula.
Ayon kay Nadine, bago umano ang naturang endorsement ay nagkasama na umano sila noon ng aktor. Hindi umano ito alam ng marami ngunit, ayon kay Nadine ay umaasa ito na makasama muli sa isa pang proyekto si Alden.
“Yes, that would be awesome! Nagkita lang kami kasi ni Alden, sa photoshoot lang. Pero after noon, hindi na. But people didn't notice that Alden and I have worked a long time ago,” kwento pa ni Nadine.
Nang tanungin naman si Alden kung payag din ba itong makatrabaho si Nadine sa isang pelikula, oo rin ang isinagot ng aktor.
Maliban dito, sinang-ayunan din ng aktor ang kwento ni Nadine na nagkatrabaho na ang mga ito dati. Ayon kay Alden, nangyari umano ito noong pareho pa lamang nagsisimula ang kanilang karera sa industriya ng showbiz.
“Oo, sa isang clothing line. Pero super tagal na. But yeah super saglit lang namin nagkita, sa photshoot lang. But you know, I'm really hoping na we could catch up…
“Like what Nadine said, nagkatrabaho kami sa isang clothing line before and during the early stages of Nadine's career. So nagkikita kami doon during Sunday shoots namin,” ani pa ng aktor.
Sa naturang panayam, inilarawan din ni Alden ang naging karanasan nito nang makatrabaho niya si Nadine. Ayon kay Alden, magaan umano itong katrabaho na siya naman umanong hinahanap ng aktor sa mga taong nakakasama niya sa trabaho.
“Magaan siyang katrabaho and wala kaming hardships ni Nadine during the shoot. I'm really happy din kasi that's what I looked for sa mga co-workerko or sa mga nakakasama ko sa trabaho, yung magaan katrabaho,” pahayag pa ni Alden.
Kapag nagkataon na magkaroon ng proyekto at maging leading lady ni Alden si Nadine, ito na ang pangalawang pagkakataon na isang aktres mula sa Kapamilya network ang kanyang makakatambal.
Una nang nagkasama sina Alden at Kathryn sa pelikulng ‘Hello, Love, Goodbye’ na talaga namang pumatok sa publiko. Nahigitan ng naturang pelikula ang kita ng mga pelikulang pinakapumatok sa masa kaya naman, malaki ang inaasahan sa aktor kapag tuluyang matuloy ang plano nilang pagtatambal ni Nadine.
Sa nangyaring pagsasara ng ABS-CBN, mas naging bukas na ngayon ang maraming artista mula rito na makipagtrabaho sa mga artista ng kabilang network. Kaugnay nito, mas naging bukas rin ang mga show ng GMA na mag-imbita ng mga artista mula ABS-CBN na maging kanilang mga panauhin.
Kaya naman, hindi nalalayo ang posibilidad na si Alden na nga ang pinakabagong magiging leading man ni Nadine sa pelikula.
Source: confession
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment