Saturday, August 29, 2020

Angelica Panganiban, Inunahan na ang mga Netizen Tungkol sa Umano’y Nawawala Nitong Pwet



Kilala ang aktres na si Angelica Panganiban sa pagiging prangka nito sa halos lahat ng bagay, kabilang na sa kanyang sarili.

Kaya naman, hindi na nakakapagtaka na hindi ikinahihiya ni Angelica ang ilan sa mga bagay na hindi ito masyadong nabiyayaan. Kahit na maituturing bilang isa sa may pinakamagndang mukha sa showbiz mula pa noong pagkabata nito, aminado ang aktres na hindi ito perpekto.

Halimbawa na lamang nito ay ang kanya umanong ‘pwet’ na ayon pa sa aktres ay nawawala umano. Sa isa sa mga Instagram stories nito kamakailan lang, nagbahagi si Angelica ng isa sa mga larawan nito kung saan, makikita ang hubog ng kanyang katawan.

Ngunit, bago pa man ulanin ng mga komento ang aktres tungkol sa pwet na parte ng kanyang katawan, inunahan niya na ang mga ito. Prangkang ani pa ni Angelica,

“Wag kayo mag-alala, kahit ako, hinahanap ko pa din ang nawawala kong pwet.”


Dagdag biro pa nga ng aktres,

“Pakiusap: kapag ito ay iyong nahanap, o nais mag-donate, paki-DM na lang po ako. Salamat.”

Kaya naman, dahil sa prangka ngunit nakakatawang pahayag na ito ni Angelica, marami sa mga netizen ang nagsaad ng mga positibong opinyon patungkol sa aktres. Dahil sa natural ding komedyante, marami ang natawa sa mga pahayag na ito ni Angelica.

Ngunit, hindi pala ito ang unang pagkakataon na pinagdiskitahan ni Angelica mismo ang kanyang sariling pwet. Bago ito ay alam na ni Angelica na hindi ito masyadong nabiyayaan sa naturang parte ng kanyang katawan kaya naman bukas ang aktres sa usaping ito noon pa man.


Sa katunayan, minsan na nga itong nagbahagi ng isa rin nitong larawan sa Instagram ulit kung saan, si Angelica mismo ang unang pumansin sa bahaging ito ng kanyang katawan bago pa may masabi rito ang mga netizen.


“Bathroom selfie. Yes. Totoo ang nakikita natin. Isang diretso lang talaga... Kapag may extra pwet kayo, please contact me. Tumatanggap ako ng donasyon,” ani pa rito ni Angelica.

Minsan na rin itong nagbahagi ng isa pang pahayag sa Twitter na mayroon pa ring kinalaman sa kanya umanong pwet. Saad pa ni Angelica rito,

“Nanaginip ako, nag pagawa daw ako ng pwet.”

Gayunpaman, kahit alam ng lahat na nagbibiro lamang ang aktres ay ipinaabot pa rin ng mga ito ang kanilang paghanga kay Angelica. Ayon sa mga ito, sapat na umano ang galing ni Angelica sa kanyang larangan at ang napakaganda nitong mukha para mahalin ng mga ito ang aktres.

Hindi umano ito kabawasan sa aktres, bagkus ay naging dahilan pa raw upang mas hanggan ito dahil sa pagiging totoo umano ng kanyang pagkatao.


Heto pa ang ilan sa mga ibinahaging komento ng mga netizen para kay Angelica:

“Super totoong tao thats why we love u @iamangelicap!!!”

“Love ko talaga ang babaeng ito! ! @iamangelicap Kaya lahat ng nakarelasyon niya tumatagal sa kanya… kasi simple lang na maganda sya' ipinapakita nya kung anong totoo niyang ugali.”

“Carry na yan teh, yayamanin naman sa bobelya hehe love u @iamangelicap”


“Kulet mo din, AAngie! Hahaha dami ko tawa!”

“Dapat sabihin mo sa kanila keeeveer hindi naman ako sa pwet kumikita… kundi sa talent at mukha. You’re still beautiful!”

Source: facebook
Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment