Saturday, August 29, 2020

Luis Manzano, Ibinahagi ang Hindi Nito Pagkakaroon ng Normal na Buhay Noon Dahil sa Kanyang Sikat na Nanay


Bagama’t marami sa publiko ang umano'y naiinggit sa mga anak ng artista dahil marahil sa mga pribilehiyo na kanilang tinatamasa, ang hindi nila alam ay mayroong malaking kaakibat ang pagiging isang anak ng sikat.

Ito ang ibinahagi ng aktor at TV host na si Luis Manzano nang minsang makasama nito ang girlfriend na si Jessy Mendiola sa isa sa mga vlog ng huli.

Dito, naikwento ni Luis ang hindi niya umano pagkakaroon ng normal na buhay noong bata pa ito dahil sa pagiging sikat ng kanyang mommy na si Vilma Santos-Recto, ang tinaguraing Star For All Seasons.

Sa naturang vlog, mayroong ibinatong tanong si Jessy sa boyfriend na mayroong kinalaman sa buhay ng aktor at host. Tinanong ni Jessy kay Luis kung sino umano ang babae na nais nitong makasama sa isang dinner date.

Marami naman ang nagulat sa naging sagot ni Luis sa tanong na ito ng kanyang girlfriend. Ayon kasi kay Luis, ang kanya umanong nanay ang babae na nais sana nitong maka-date.

Paliwanag naman ni Luis, maituturing niya raw kasing quality time ang pagkakaroon ng dinner date kasama ng kanyang mommy na siyang hindi nito naranasan noon dahil sa sobrang kasikatan nito. Dahil umano dito, marami umanong beses na hindi nila magawa ni Vilma ang mga nais sana nilang gawin na magkasama.

“From my heart, mommy ko. Seryoso.


“Kasi yun ‘yung ibang bagay na hindi namin nagawa ng ermat ko… have something na parang quality time. Kasi alam ng lahat na ang mommy ko is a superstar so marami kaming hindi nagawa na bagay,” ani pa nito.

Ayon kay Luis, bagama’t sinubukan naman umano ng kanyang mommy na bigyan siya ng normal na buhay at iparanas sa kanya ang mga normal sanang ginagawa ng nanay at ng kanyang anak, hindi pa rin umano ito nangyari dahil laging nakaabang sa kanyang mommy ang publiko.

Kwento pa nito,

“Yung isang beses na nag-grocery kami ni mommy… ito ‘yung attempt na bigyan ako ng isang normal life, ‘nung bata ako [ay] dinala niya ako sa grocery. Siguro mga six ako nito o seven years old para ma-experience na ‘yung mommy kasama ‘yung anak ‘di ba grocery?


“Pagtapak pa lang namin, siguro mga tatlong tapak pa lang… parang mall show. Hindi na kami naka-forward. Pagpasok pa lang sa grocery, nakilala na mommy ko. Tapos deretso dinala ako ni mommy sa kotse tapos uwi na kami. So basically, wala kami nagawa.”

Kaya naman, para kay Luis, habang may pagkakataon ay nais niya umanong makasama at makabonding ang kanyang ina tulad na lamang sa isang dinner date. Ito ang dahilan kung bakit ang kanyang mommy ang kanyang naisip na makasama rito.




“So may mga bagay kaming hindi nagawa. ‘Yung maglakad-lakad sa mall kasama ang magulang? Wala kaming ganun. So isang quiet night siguro with my mom and Ryan,” dagdag pa ni Luis.

Si Luis ay anak ni Vilma Santos sa isa ring aktor na si Edu Manzano. Kaya naman, alam na alam ni Luis ang pakiramdam na maging anak ng sikat at alam niyang hindi ito madali.

Source: ptama

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment