Madaldal pa umano sa babae ang lalaking ito na inirereklamo ng isang Madilyn Dominguez sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan lang.
Nito umanong lockdown, sa kasamaang palad ay nagkasama umano sina Dominguez at ang ex-boyfriend na nito ngayong si Raeban de Guzman Datu kaya ito nabuntis ngunit, ngayon ay ayaw na siya nitong panagutan.
“Pinili ko nalang pong makipaghiwalay kasi po may ugali po siya na hindi po maganda… Pinagsisira niya po ako sa tao. May nagsabi po sa akin na sinabi niya daw po na may tatlo po akong account at doon daw po ako nanlalalaki,” kwento pa ni Dominguez.
Sa programa, mayroong mga ipinakitang ebidensya si Dominguez na patunay umano ng mga paninira sa kanya ni Datu. Ang naturang mga ebdidensya ay larawan sa messenger ng umano’y mga paninira sa kanya ni Datu sa ibang mga tao.
Sinisiraan nito si Dominguez na mayroon umano itong karelasyon na matanda at ibang lalaki at pinagbibintangan pa itong malandi. Maliban pa raw ito sa pagtanggi ni Datu bilang ama ng dinadalang bata ni Dominguez.
Ang masaklap rito, ito pa mismo ang umamin sa kausap na ipinapakalat umano nito ang kanyang paninirang puri kay Dominguez sa angkan nito.
Nang bigyan naman ng pagkakataon ni Tulfo ang dalawa na mag-usap, natatahimik at natatawa na lamang ang host sa paraan ng pagsagot ni Datu kay Dominguez. Tanong na lamang dito ni Tulfo,
“Mr. Datu, bakit parang pwet ng manok ‘yung bibig mo?”
“Idinadaldal mo itong girlfriend mo sa ibang mga kausap mo tapos babae pa man din kausap mo, sir. Tapos ngayon ‘pag hindi ka nasasagot ng girlfriend mo, pinuputakte mo ng mga messages, minumura mo na…,” dagdag pang ani ni Tulfo dito.
Maliban sa paninira, mayroon ding mga ebidensya si Dominguez kung saan, mababasa ang mga umano’y pagmumura sa kanya ng dating boyfriend. Depensa naman ni Datu, hindi niya naman umano sinisiraan ang dating gilfriend dahil ‘private chat’ naman umano ang mga ebidensyang iyon.
Ngunit, giit ni Tulfo at pati na rin ng abogado na kinonsulta nito, matibay na umanong ebidensya ang mga iyon para sa kasong Cyber Libel na isasampa ni Dominguez kay Datu.
Maliban pa dito, napag-alaman din ni Tulfo na minsan na din palang pisikal na sinaktan ni Datu si Dominguez kahit buntis ito. Ayon kay Dominguez, minsan na umano siyang sinipa sa likod ng dating boyfriend.
Ngunit, mayroon na namang isinagot na depensa si Datu tungkol sa paratang na ito. Ayon sa kanya, hindi naman umano masakit iyon dahil na-kontrol niya naman umano ang kanyang ginawang pagsipa kay Dominguez. Hindi naman kumbinsido rito si Tulfo at natawa na lamang sa pagdadahilang ito ni Datu.
Kaya naman, maliban sa kasong Cyber Libel ay dadagdagan pa ni Domiguez ng kasong Physical Abuse ang kanyang isasampa sa dating nobyo.
Dahil isa itong Criminology graduate, nakatakda pa man din umano sanang maging pulis si Dominguez ngunit, dahil sa ginawa nito ay malaki ang posibilidad na hindi na ito matuloy sa naturang propesyon.
“Naku! Hindi ka na matutuloy sa pagiging pulis, sir. Ang masaklap nito, eh sa kulungan ka. Imbes na ikaw ang magbabantay sa mga preso, ikaw ngayon ang babantayan,” ani pa ni Tulfo kay Datu.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment