Sa ikatlong bahagi ng pagharap ni John Regala kay Raffy Tulfo, humarap na rin sa medya ang dati nitong asawa na siyang ina ng hinahanap at gustong makasamang anak ng aktor.
Umani ng maraming paghanga at papuri mula sa mga netizen si Aurina Alvarez Manansala-Hunt, ang ex-wife ni John na ngayon ay nakatira na sa Amerika, dahil sa ipinamalas nitong malasakit para sa aktor.
Sa kabila ng kanilang pagsasama na matagal na panahon nang nagtapos, ang malasakit ni Au para sa dating asawa ay nandoon pa rin. Ayon sa kanya, ipinangako niya umano sa ina ni John na aalagaan niya ang aktor.
Tungkol naman sa kanilang anak na si Kieffer, ayon kay Au ay kakausapin naman umano si John ng kanyang anak ngunit, humihingi umano muna ito ng kaunting oras.
“Sabi po ng anak ko na ‘I will call my dad, privately, and then I’ll make sure that I’ll gonna ask him if he’s doing okay’.
“So bigyan po ng a little bit of time kasi syempre po maliit pa siya ‘nung inaalagaan siya ng papa niya… Siguro, probably another two days, mag-uusap na po sila,” ani pa ni Au.
Maraming mga netizen ang naantig ang puso nang bumuhos ang luha nina Au at John nang magbigay rito ng mensahe ang aktor. Ayon sa aktor, mahal na mahal nito ang dating asawa at nagpapasalamat ito ng malaki sa maayos na pagpapalaki nito sa kanilang anak.
Hindi umano akalain ni John na si Au pa umano ang tutulong sa kanya ngayon kaya naman labis ang pasasalamat nito sa kanyang dating asawa.
Si Au umano ang siyang kumuha at nagpapasweldo sa taong nag-aalaga ngayon kay John na kasama nito sa kanyang tinutuluyan. Maging ang mga pangangailangan ng aktor ay si Au rin ang nagbibigay. Kaya naman, hindi maiwasan maging ni Tulfo na pasalamatan si Au dahil sa kabaitan at kabutihang loob na mayroon ito.
Ayon kay Au, mula noong taong 2018 ay mayroon na umano silang komunikasyon ni John ngunit ang madalas umano nitong kausap ay si Mommy Ruby na siyang ina ni John. Noon paman umano ay balak na nila ng ina ni John na papuntahin sa Amerika ang aktor ngunit, dahil nga sa pumanaw na ito ay ipinangako umano rito ni Au na aalagaan si John.
Tungkol naman sa mga umano’y ampon ni John na basta na lamang iniwan ang aktor, ang isa umano sa mga ampon na ito na si Gilbert ay ampon nilang dalawa ng aktor. Bagama’t ang umampon umano rito ay ang ina ni John na si Mommy Ruby, sina Au at John na umano ang tumayong mga magulang nito.
Sa programa, emosyonal na nanawagan si Au para sa itinuturing niyang anak na si Gilbert na umano’y bisitahin o magpakita man lang kay John.
“Anak, parang awa mo na, puntahan mo ang daddy mo. Kung di mo man mapuntahan, atleast tawagan mo man lang, parang awa mo na. Mahal na mahal ka namin. Pasensya ka na, hindi ka namin ninineglect,” panawagan pa ni Au sa ampon nila ni John.
Hanggang sa abot ng kanyang makakaya ay tutulongan umano ni Au ang aktor at sinisiguro niya rito na magkikita sina John at ang kanilang anak na si Kieffer. Dagdag pa nga ni Au, kahit na tumira pa umano ang aktor sa Amerika kasama ang anak niyang si Kieffer ay pwedeng pwede umano.
“Mahal na mahal kita John. Kahit na anong mangyari, andito pa rin ako. Magpalakas ka ng mabuti. Kayang-kaya mo ‘yan. Magdasal ka lagi kay Mommy Ruby atsaka ipagdadasal kita. Andito lang ako lagi sa tabi mo, okay? Hintayin mo lang ang anak mo,” mensahe pa ni Au para sa aktor.
Nakabase ngayon sa Arizaona, USA si Au kasama ang kanyang asawa na si Stephen Hunt. Ayon kay Au, nagpapasalamat umano siya kay Stephen dahil sa pagsuporta nito sa kanya at sa pag-iintindi nito sa kalagayan ngayon ni John.
Panoorin ang buong video dito!
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment