Friday, August 28, 2020

Bernadette Sembrano, Tinanggal na Bilang Field Reporter ng TV Patrol; Bagong Pagkakaabalahan ni Bernadette, Alamin Dito:


Sa isang vlog na ibinahagi ng ABS-CBN reporter na si Bernadette Sembrano nitong Martes, ika-25 ng Agosto, inanunsyo ni Bernadette ang kanyang pagkaka-retrench bilang field reporter ng TV Patrol.

“I got a call from my superior sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN. Iyong mga ginagawa nating field work for Lingkod Kapamilya, 'yun ang aking field work assignment, that's my staff work. I was told that I was retrenched,” pagbabahagi pa ni Bernadette.

Ayon sa mamamahayag, bagama’t nalungkot sa balitang ito, mas pinili umano ni Bernadette na maging mapagpasalamat para sa lahat ng taon na nabigyan siya ng pagkakataon sa naturang trabaho. Maliban dito, mananatili pa rin naman umano ang pagiging news anchor ni Bernadette sa TV Patrol.

“Masakit din, but this isn't the first time that this happened to me, that I was enjoying the morning and then pagdating ng hapon, medyo not so good news," she added. "Kung may kirot, may kirot. Kung may sakit, may sakit. Ang sabi ko, 'Ang galing talaga ni God magbalanse ng buhay',” ani pa ni Bernadette.


Sa parehong araw kasi na ipinaalam sa kanya ang kanyang pagkakatanggal sa trabaho, nakatanggap naman ng kompirmasyon si Bernadette sa pinakabago nitong kabibililangan. Magiging bahagi na umano si Bernadette ng FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers) at magiging isa nang ganap na songwriter.

Kaya naman, sa kabila ng hindi magandang balita na natanggap, lubusan umanong ipinagpapasalamat ni Bernadette ang pagdating ng panibagong biyaya na ito sa kanyang buhay. Pagkukuwento pa nito,

“I got a call from my superior and I was told that I was retrenched… I also got good news that we are awaiting our membership sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers). So this is the organization... na grupo siya ng composers and songwriters. Another big surprise, right?



“And now I am also grateful because officially I am a songwriter. It all happened today, so I hoped you choose the positive that happened today to remember each day. And, remember to be grateful.”

Ayon kay Bernadette, nang matanggap niya umano ang dalawang balita na ito, una niya umano naisip na baka raw ito nangyayari ay dahil dapat na sakto lamang umano ang buhay; minsan maraming mga magagandang pangyayari ngunit mayroon ding mga hindi.

Ito umano marahil ay upang hindi sumobra ang isang tao na maaaring umabot sa pagkalimot.

Kaya naman, sa naturang vlog ay pigil ang emosyon na inalala ni Bernadette ang mga taon nito bilang field reporter ng TV Patrol. Ngunit, inihayag din dito ni Bernadette ang kanyang malaking pasasalamat na nabigyan siya ng pagkakataon na gampanan ito.


“Everyday, good things and bad things happen throughout and it’s up to us what we want to hold on to and what we want to stay with us… if you want to choose to remember the bad stuff or the good stuff. Today, I remain grateful.  I remain grateful.

“Thank you for my many years as a field reporter. I am a changed person because of my field work, and I know that every moment I had as a field reporter, wala akong inaksayang panahon,” mensahe pa ni Bernadette.


Source: INQUIRER

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment