Friday, August 14, 2020

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Kilig Vibes na Naman ang Hatid sa Kanilang mga Taga-hanga



Muli na namang pinakilig ng tambalan at real-life couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang mga tagahanga sa palitan nila ng mensahe sa Instagram.

Sa bagong larawan na ibinahagi ni Kathryn sa kanyang Instagram account, hindi mapigilan ni Daniel na humanga sa girlfriend kaya naman nag-iwan ito ng komento sa naturang larawan.

Bago simulan ang kanyang work-out, nagbahagi muna si Kathryn ng isang larawan nito kung saan, umiinom siya ng ‘celery’. Saad dito ni Kathryn,

“The look I gave my celery juice before chugging the whole glass. Swipe left to see my real reaction!”


Sa comment section ng naturang Instagram post, marami ang kinilig sa iniwang komento ni Daniel kung saan, kitang proud na proud ito sa kanyang girlfriend.

“Ikay akin lamang,” ang simple ngunit na nakakakilig pang ani ni Daniel kay Kath.

Sinagot din ito ni Kath ng isang simpleng “ikaw din” na siya namang mas lalong ikinakilig ng marami.

Patunay nito ang nasa mahigit 28 000 likes na naani ng comment ni Daniel habang ang sagot naman dito ni Kath ay agad ding umani ng mahigit sa 23 000 likes.

Dahil sa ginawang ito ni Daniel, hindi maiwasang magreact ng marami tungkol sa kung paano umano si Daniel bilang isang boyfriend. Marami ang talagang napapa ‘Sana all’ na lamang daw dahil sa pagiging ‘sweet’ ni Daniel kay Kathryn.


Sa naturang larawan, makikita ang magandang hubog ng katawan ni Kathryn na resulta ng pagsisikap at workout nito. Kita rito ang ‘abs’ ng aktres na siya namang kinainggitan ng marami.

Talaga nga naman umanong mapapa-proud kay Kathryn ang boyfriend nitong si Daniel dahil sa ganda at sexy nito ngayon.


Kaya naman, hindi na naman magkamayaw ang mga taga-suporta ng dalawa na sobrang kinilig sa simpleng papuri nina Daniel at Kathryn sa isa’t-isa. Patunay lamang daw kasi ito kung gaano kamahal ni Daniel si Kathryn.

Maliban kay Daniel, ilan din sa mga kaibigan ni Kathryn sa showbiz ang nag-iwan ng komento tungkol naman sa ganda ng katawan ngayon ni Kathryn bunga ng madalas nitong work-out.

Dito, napahanga rin ni Kathryn at ng kanyang abs sina Sarah Lahbati, Dimples Romana, Moira, Ria Atayde, at Julia Montes.


Sa ngayon, nasa halos 500 000 na ang nakakalap na likes ng larawang ito ni Kathryn sa Instagram.

Maraming mga tagasuporta naman ni Kathryn ang naiinspire sa ginagawa ng aktres na pagwo-workout upang magkaroon ng malusog at fit na katawan. Kaya naman, marami ang nagkakaroon ng lakas ng loob na gaya ni Kathryn ay magworkout na rin.

Sina Kathryn at Daniel ay masasabing dalawa sa pinakahinahangaang mga artista sa kanilang henerasyon at ang kanilang relasyon naman ay isa sa pinakasinusubaybayan at sinusuportahan ng publiko.

Ilang beses nang pinatunayan ng dalawa ang galing nila sa kanilang larangan kung saan, patunay nito ay ang mga pelikula nila na talaga namang inaabangan ng marami. Sina Daniel at Kathryn ang may hawak sa ilan sa mga pelikula na may pinakamalaking kita sa kasaysayan ng bansa.


Source: KAMI

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment