Maliban sa pagiging isang sikat na aktor ng ABS-CBN, kilala rin si Richard Yap bilang isang negosyante. Kaya naman, nitong panahon ng lockdown ay hindi itinanggi ni Richard na malaki ang naging epekto nito sa kanyang mga negosyo.
Sa isang panayam na dinaluhan ni Richard kamakailan lang, naibahagi nito ang tungkol sa mga epekto sa kanya, sa kanyang pamilya, at maging sa kanyang negosyo ng mga nangyayari ngayon tulad ng COVID-19 at ang pagsasara ng ABS-CBN.
Sa programang ‘I Feel U’ ni Toni Gonzaga, ayon kay Richard ay mahirap ngayon ang sitwasyon ng ilan sa kanyang mga negosyo tulad ng mga restaurant na isa siya sa mga nagmamay-ari.
Bago pumasok sa showbiz, namasukan muna si Richard sa kompanya ng kanyang ama. Ito ang kanyang naging trabaho mula nang magtapos ito ng kolehiyo.
Hanggang sa magtayo na nga si Richard ng sarili nitong negosyo kasama ng isa sa kanyang mga kaibigan na isang stainless-steel business. Nagtuloy-tuloy pa ang mga biyayang ito kay Richard dahil sa pagkakapasok niya sa showbiz.
Matapos nito, nakapagpatayo rin ulit si Richard ng ilang mga negosyo na may kinalaman naman sa pagkain. Ilan sa mga ito ay ang Singaporean-Chinese restaurant na Wangfu at isang gastropub.
Habang patuloy ang karera ni Richard sa showbiz ay patuloy rin ang naging paglago ng mga negosyo niyang ito.
Ngunit, nang dahil sa ipinatupad umanong lockdown, bukod sa naapektuhan ang kanyang pag-aartista ay labis din na apektado ang kanyang mga negosyo.
“‘Yung restaurant business, grabe ‘yung effect doon. It’s given us a lot of hardship especially to all our employees also kasi karamihan walang trabaho. Siyempre saan mo kukunin ‘yung ipambabayad mo ng every day necessities di ba…,” ani pa ni Richard.
Mas namroblema pa umano ang aktor nang tuluyang mapasara ang kanyang home TV network na ABS-CBN kung saan nagresulta ito sa pagkakawala ng ilan sa kanyang mga proyekto.
“Alam naman natin na nawalan din tayo ng mga projects because of what happened to our home network. That also caused a lot of stress not only for us but for everyone who’s been working there. Dagdag hirap talaga,” dagdag pang saad ni Richard.
Gayunpaman, sa kabila ng mga pagsubok na ito sa aktor ay mas pinipili umano nitong tumingin sa mga positibong bagay tulad na lamang ng pagkakaroon ng mas maraming oras para sa kanyang pamilya.
Bagama’t apektado ng malaki ang ilan sa kanyang mga negosyo, tiwala ang aktor na malalampasan niya ang mga ito. Kaya naman, sa ngayon ay sinusulit umano ni Richard ang oras na mayroon ito kasama ang kanyang pamilya. Ipinagpasalamat din umano nito na kahit papaano ay ligtas at kompleto silang mag-anak.
“We are all okay. We are just here in the house. It has given us a lot of time to be together. It’s also a nice break from our hectic schedules. And at least we have time with our family now. Of course, it’s very nice that we are always together,” pahayag pa ng aktor.
Source: biztalkph
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment