Friday, August 28, 2020

Dalawang Lalaki na Gumagawa ng Isang Tiktok Challenge Sakay ng Motor, Naaktuhan ng mga Pulis!



Usong-uso ngayon sa social media lalo na sa Tiktok ang paggawa ng iba’t-ibang mga challenge. Game na game sa mga ito ang maraming mga netizen at marami na nga ang nagvi-viral dahil sa mga challenge na ito.

Gaano man kahirap o ka-komplikado, sinisikap ng maraming mga netizen na magawa ang mga challenge na ito. Wala naman umanong masama rito basta’t walang nasasaktan at masaya ang taong gumagawa nito.

Ngunit, mayroon umanong iba na kahit delikado na ay pinipilit pa ring magawa ang isang challenge.

Ganito umano ang nangyari sa dalawang lalaking ito sa Don Benedicto Salvador, Negros Occidentel kung saan, habang sakay ang motor ay ginagawa ang isang Tiktok Challenge.

Ayon sa kapulisan ng naturang lugar, napansin umano ng mga ito ang dalawa na mayroong nire-rekord habang nakasakay sa kanilang mga motor. Iyon pala ay ginagawa umano ng dalawa ang tinatawag na ‘Toco-toco Challenge’.


Kaya naman, pinara at pinahinto umano ng kapulisan ang dalawang ito na nagmamaneho pa ng motor habang ginagawa ang naturang challenge. Base sa mga larawan ng dalawang lalaking ito, makikitang nakasuot pa ang mga ito ng mga damit pambabae.

Patunay lamang ito kung gaano kaseryoso ang dalawa sa kanilang ginagawang challenge. Ngunit, pagkakamali lamang ng mga ito ay ang paggawa nila sa naturang challenge sa delikadong paraan.

Dahil sa nangyari, nakatanggap umano ng sermon ang dalawa mula sa mga pulis na sumita sa mga ito. Hindi naman sigurado kung tinecketan ba ang dalawa sa kung anumang paglabag nila sa batas trapiko.

Ang ulat na ito tungkol sa dalawa ay agad naman naging viral sa social media.


Karamihan sa mga netizen na nakabasa ng ulat ay natatawa dahil umano sa pagiging masyadong seryoso ng dalawa para lamang sa isang Tiktok Challenge na nagbunga pa sa pagkakasita sa kanila ng mga pulis.

Nagawa pa ngang magbiro ng iba at sinabing pinagbigyan na lamang umano sana ang dalawa na matapos ang pagvivideo ng kanilang Tiktok Challenge. Mayroon ding ilan na sinabing napaka-’KJ’ umano ng naturang mga pulis na sumita sa dalawang lalaki.


Gayunpaman, nangibabaw pa rin naman ang komento ng mga netizen na nag-aalala sa kaligtasan ng dalawa.

Ayon sa mga ito, mabuti na lang din daw na pinagalitan ang dalawa dahil wala naman umanong kabuluhan ang ginagawa ng mga ito para ilagay sa panganib ang kanilang mga sarili.

Dagdag pa nga ng ilan, sana raw ay pinarusahan nalang din ang dalawa upang hindi na umulit pang gawin ang naturang delikadong bagay. Hindi na rin naman umano mga menor de edad ang mga lalaking iyon kaya dapat raw ay alam na ng mga ito kung ano ang tama at mali.

Hindi nagustuhan ng marami na para lamang umano makakuha ng atensyon sa social media ay isinugal ng mga lalaking ito ang kanilang mga buhay. Tama lamang umano ang nangyaring pagsita sa dalawa dahil wala naman umanong mabuting naidudulot ang ginagawa ng mga ito.


Bagama’t hati ang reaksyon ng mga netizen tungkol sa nangyaring ito, ang sigurado ay ang pagiging trending ng pangyayaring ito na ngayon ay kalat na kalat na sa social media.

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment