Monday, August 31, 2020

Homemade Jetski na Gawa sa Kahoy at mga Pyesa ng Motor, Hinangaan sa Social Media!



Sa Pagadian City, isang malikhain at kakaibang obra ang hinangaan ng maraming mga netizens at agad na naging trending sa social media.

Ito ay ang homemade na jetski na gawa lamang umano sa kahoy at ilang mga pyesa ng motor na gawa ng Kapitan ng Brgy. White Beach sa Pagadian. Kung titingnann, hindi mahahalata na malaki ang kaibahan ng jetski na ito mula sa mga jetski na madalas ay nakikita ng karamihan.

Hindi umano mahahalata na gawa lamang sa plywood ang jetski na ito dahil sa ganda ng pagkakagawa nito. Ang buong katawan ng jetski ay pulidong ginawa gamit lamang ang plywood.

Upang mapatakbo ang jetski, ginamitan umano ito ng ilang mga pyesa at makina ng motorsiklo. Makikita na ang manibela ng jetski ay isang ginamit lamang muli na manibela ng motorsiklo. Bunga nito ay ang maayos na takbo ng naturang jetski sa dagat na talaga namang hinangaan ng publiko.


Ayon sa gumawa ng nasabing jetski, ginawa lamang daw umano ang jetski na ito bilang sasakyan o transportasyon sa pagtawid nito mula sa kanilang barangay papunta sa sentro ng kanilang siyudad.

Sa tulong ng isa pang karpintero na residente din ng Brgy. White Beach, dalawang linggo umano ang inabot bago tuluyang mabuo at matapos ang nakakamanghang jetski.

Kaya naman, nang maibahagi sa social media ang jetski na ito ay agad nitong naagaw ang atensyon ng maraming mga netizen. Bumilib ang mga ito sa magandang pagkakagawa ng jetski at sa magandang takbo nito. Labis din na hinangaan ng mga netizen ang mga malikhaing gumawa ng naturang jetski.

Maliban dito, maging si Mayor Sammy Co ng Pagadian ay hindi rin napigilan na ihayag ang kanyang tuwa at pagkakabilib sa naturang jetski. Kaya naman, ayon sa Mayor ay nais niya umano na gumawa pa ng naturang klase ng jetski ang mga gumawa nito.




Ipinag-utos na ito ni Mayor Sammy Co at nagtalaga na rin umano ito ng iba pang mga karpintero na tutulong sa paggawa ng ganitong klaseng jetski. Maliban kasi sa pagiging isang magandang alternatibo sa transportasyon, makakatulong rin umano ang naturang jetski sa turismo at dagdag atraksyon sa kanilang lugar.

Sa social media, kanya-kanya namang pahayag ng kanilang papuri ang mga netizen para sa jetski na ito. Mayroon pa ngang iba na nagpahayag ng plano na magpagawa at bumili umano ng naturang jetski.

Heto pa ang ilan sa mga pahayag na ibinahagi ng ilan sa mga netizen tungkol sa homemade jetski na ito ng Pagadian:

“Dapat ito ang pinaglalaanan ng gobyerno, mga inventor na pinoy para di na umaasa sa ibang bansa. Alisin ang culture na ‘asa nalang sa iba’.”


“ Great job! Just make sure connections are waterproofed and marine-rated so that parts don’t rust quickly. And has plenty of safety features such as auto-shutoff when flipped or got loose. I may buy one someday.”

“Wow ang galing talaga ni Kuya. ‘Yan dapat suportahan ng Government natin. Di na kailangan ng mga imported na sobrang mahal.”


“Hindi naman talaga matatawaran ang galing ng Pinoy. Kulang lang sa suporta ng gobyerno.”

Source: facebook

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment