Sunday, August 30, 2020

Empress Schuck, Simpleng Namumuhay Kasama ang Pamilya Matapos Iwan ang Showbiz



Mula nang lisanin ng aktres na si Empress Schuck, o Empress Karen Carreon Schuck sa buong pangalan, ay nakontento na ito sa simple ngunit masayang buhay kasama ang kanyang pamilya.

Isa si Empress Schuck sa maituturing na may pinakamagandang mukha sa showbiz sa kanyang henerasyon kaya naman, sa kabila ng kanyang paglisan sa industriya ay nakasubaybay pa rin dito ang kanyang mga tagasuporta.

Kasama ang kanyang asawang si Vino Guingona at ang kanilang anak na si Athalia, simple ngunit masaya ngayon ang buhay na mayroon si Empress.

Taong 2016 nang pansamantalang nilisan ni Empress ang showbiz matapos ianunsiyo ang pagbubuntis nito sa kanilang anak ni Vino. Bagama’t aminado ang aktres na hindi planado ang nangyaring pagdadalawang tao, sinisigurado naman umano nila ni Vino na planado na ang kanilang mga susunod na hakbang.


Si Vino ay galing sa isang maimpluwesya at politikong pamilya. Ito ay pamangkin ni dating senador Teofino Guingona III at apo naman ng dating bise-presidente ng bansa na si Teofisto Guingona, Sr.

Dalawampu’t dalawang taong gulang pa lamang si Empress nang mabuntis ito kay Athalia ngunit, walang pinagsisisihan dito ang aktres. Setyembre naman ng 2015 nang tuluyan na itong manganak kay Athalia.

Bata pa lamang, dahil sa angking ganda ng Filipino-German na aktres ay napasabak na ito sa pagmomodelo. Unang nagsimula naman sa pag-aartista si Empress nang maging bahagi ito ng Star Magic sa ABS-CBN. Mula dito, napabilang na ang aktres sa maraming mga programa sa telebisyon na karamihan ay teleserye.

Naging bahagi ito ng mga programang ‘Super Inggo’, ‘Apoy sa Dagat’, ‘100 Days to Heaven’ at ‘Asintado’. Sa pelikula naman, ilan sa mga kinabilangan nito ay ang mga pelikulang ‘Shake, Rattle, and Roll’ at ‘On the Job’.



Bagama’t nagsimula sa ABS-CBN, kadalasan ay napapanood na rin si Empress sa kabilang network, ang GMA. Ngunit, paminsan-minsan ay bumabalik din ito sa una niyang naging network para sa ilang mga pagganap.

Ilan sa mga programa na kinabilangan ni Empress sa GMA ay ang ‘The Better Woman’, ‘Hiram na Anak’, at ‘Sahaya’.


Sa ngayon, maliban sa kanyang buhay bilang nanay ni Athalia at maybahay ni Vino, mayroon ding ibang mga bagay na pinagkakaabalahan si Empress.

Ito ay ang kanyang pagnenegosyo kung saan, may-ari na ngayon si Empress ng isang coffee brand at milktea brand. Ipinundar niya sa mga negosyong ito ang kanyang mga naging kita sa ilang taong pagtatrabaho sa showbiz.

Hindi naman maikakaila na maayos ang pagpapatakbo ni Empress ng mga negosyo niyang ito dahil patuloy itong lumalago at lumalaki. Kaya naman, ipinagmamalaki ng aktres ang tagumpay niyang ito.



Maliban sa mga ito, isa rin sa pinagkakaabalahan ni Empress ay ang pagv-vlog kung saan, madalas itong nakikita kasama ang kanyang anak at pamilya. Dito, ibinabahagi ni Empress sa kanyang mga taga-suporta ang kanya buhay.

Hindi man masyadong napapanood ngayon sa telebisyon, sa pamamagitan ng pagv-vlog at maya’t mayang pagbabahagi ng kanyang mga larawan sa Instagram ay napapanatili naman ni Empress ang koneksyon nito sa kanyang mga tagasuporta.


Kaya naman, kahit sa desisyon nito na magkaroon ng mas tahimik na buhay, marami pa rin ang humahanga sa aktres at sumusubaybay dito.

Source: famoustrends

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment