Hindi maikakaila na naging kontrobersyal ang aktres na si Julia Barretto noong nakaraang taon dahil sa mga isyu na kanyang kinasangkutan.
Isa sa mga isyu na kinasangkatun ni Julia kung saan labis itong binatikos ng publiko ay ang pagiging bahagi umano nito sa nangyaring hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.
Mahigit isang taon ang lumipas matapos nito, sa isang panayam na pinaunlakan ni Julia kamakailan lang ay nagbigay ng pahayag ang aktres tungkol sa mga natutunan niya umano mula sa mga pinagdaanan niyang ito.
Sa ika-14 na episode ng programang ‘I Feel U’ ni Toni Gonzaga, isa si Julia sa mga naging panauhin nito kung saan, tinanong nito ang aktres kung paano umano nito nalampasan ang nakaraang taon na binalot ng kontrobersiya para kay Julia.
Ayon sa aktres, pamilya umano ang naging lakas niya noong mga panahong iyon.
“First is my family. You know ang family, when you’re hurt they’re hurt…
“Ayokong masyadong maglugmok. I didn’t wanna dwell on it so much because, wala eh. Hindi gagalaw ‘yung buhay ko nun if I get stuck there…
“I am only 23. At that time, I knew I was confident that there was still so many beautiful things in store for me. Parang… kung susuko ba ako ngayon, ano na lang ang mangyayari sa buhay ko? Ang bata bata ko pa,” pagbabahagi pa ni Julia.
Para sa aktres, mula sa mga napagdaanan ay natutunan niya umano na maging positibo sa buhay. Para kay Julia, ang lahat ng kanyang mga napagdaanan ay paghahanda lamang umano para sa mga laban na haharapin niya pa sa buhay.
“I chose to look the other way. I always say this, but it’s true that when you have a grateful heart, instead of questioning the things around you, or questioning the things that are happening to you, instead of complaining, parang mas magaan sa loob 'yung grateful ka na lang na nangyayari ito sa'yo kasi parang… you know that it’s better preparing you for the bigger battles in life,” ani pa ng aktres.
Ayon kay Julia, pinakamahalagang aral marahil na natutunan niya umano mula sa mga kontrobersya na ibinato sa kanya noong nakaraang taon ay ang pagpapatuloy lamang sa buhay kahit anuman ang mangyari.
“My biggest lesson was just keep on going. Just keep moving forward… until the next battle! Diba parang, okay. This is what I learned. Then the next one… then the next one.
“It will never end so, the biggest lesson was don’t get stuck because eventually, things are going to be okay,” saad pa ni Julia.
Hindi kasali sa naging pagpipilian ni Julia ang sumuko kaya naman naging mas matatag ito na lampasan ang kanyang pinagdaanan. Sa kabila ng mabibigat at sunod-sunod nitong pinagdaanan noong mga panahong iyon, mas pinili nitong ipagpatuloy ang buhay dahil aniya pa, bata pa ito at marami pang naghihintay sa kanya.
Bunga nito, masaya na ngayon ang aktres na natapos na ang hindi magandang kabanata na iyon ng kanyang buhay.
Source: KAMI
Source: Happening Philippines
No comments:
Post a Comment