Sunday, August 30, 2020

Lyca Gairanod, Emosyonal Nang Balikan ang Dating Bahay Kung Saan Siya Tumira Bago Manalo Bilang The Voice Kids Season 1 Grand Champion



Sa isa sa mga vlog na ibinahagi ng singer at The Voice Kids Season 1 Grand Winner na si Lyca Gairanod, binalikan nito ang bahay kung saan siya lumaki bago pa man siya sumikat at magkaroon ng mas magandang buhay.

Ito ay ang bahay dati nina Lyca sa Tanza, Cavite na nakatayo sa may gilid ng dagat. Barong barong lamang ang bahay na ito kung titingnan ngunit, para kay Lyca ay hindi niya ito kailanman ikakahiya dahil dito siya lumaki at natutuong magsumikap sa buhay.

Sa ngayon, ang lola ni Lyca na siyang nagpalaki sa kanya ang tumitira pa rin sa naturang bahay. Ayon kay Lyca, mas gusto raw kasi ng kanyang lola na tumira roon kaysa sa bahay nila ngayon kaya pinagbigyan niya na rin ito.

Sa vlog, nagbigay ng ‘tour’ si Lyca sa naturang bahay kung saan, masaya nitong inalala ang naging buhay nila noon doon. Ani ni Lyca, kahit maliit at maraming sira o butas ang naturang bahay, hindi umano matatawaran ang mga ala-ala na mayroon siya sa naturang bahay.


“Marami akong pinagdaanan dati. Alam niyo naman. Nakita nyo ung istorya ko. Nag MMK ako dati. Mula nung nag The Voice ako, maraming maraming hirap akong paghihirap na naranasan sa buhay ko. So dito na din talaga ako lumaki,” ani pa ni Lyca.

Ipinakita nito sa kanyang vlog kung saan parte ito dati natutulog at nagluluto kasama ang kanyang pamilya. Naibahagi rin dito ng singer ang pagiging labandera niya umano dati at ang galing niya sa paglalaba.


Bagama’t hindi maikakaila ang kahirapan na dinanas noon ni Lyca, masaya ito na nalampasan na niya ang bahaging iyon ng kanyang buhay. Ngunit, ayon pa sa singer, kahit ano ang mangyari ay hindi niya umano kalilimutan ang naturang lugar at ang kanyang buhay bago pa man siya dumanas ng kasikatan.

Kaya naman, hindi na nga nito napigilan pa na maging emosyonal at mapaiyak nang mabalikan ang mga ala-ala niyang ito dati.



“Syempre hindi ko rin kayang kalimutan ang lugar na to kung saan ako nanggaling. Hindi ko to sinasabi para sabihin sa inyo na ganito, ganyan ako. Sinasabi ko to kasi gusto kong malaman ninyo na hanggang ngayon gusto kong bumalik sa buhay ko dati,” saad pa ni Lyca.

Mas naging emosyonal pa ang singer nang makausap ang kanyang lola na siyang nagpalaki sa kanya dati. Inihayag nito ang kanyang pasasalamat sa kanyang apo na ayon dito ay siya umanong nag-ahon sa kanila sa kahirapan.

“Si Lyca noon mahirap. Ako nagpalaki dito. Ngayon, itong apo ko ang nagpaunlad sa amin dito. Sinabi ko lang sa inyo,itong bahay na binigay niya sa akin, dito ako mamamatay. Hindi ako aalis maski sino pa ang mag paalis,” ani pa ng lola ni Lyca.


Sa ngayon, ang vlog na ito n Lyca ay umani na ng mahigit sa tatlong milyong views sa Youtube. Dito, ibinahagi rin ng mga netizen ang kanilang paghanga sa kababaang loob na mayroon si Lyca sa kabila ng buhay na mayroon ito ngayon.


Ayon sa mga ito, ‘deserve’ umano ni Lyca ang lahat ng biyaya na natanggap nito dahil isa itong mabuting tao.



Source: biztalkph

Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment