Sunday, August 30, 2020

Isang Matandang Namamalimos, Pinabayaan Umano ng mga Anak at Ayaw Pang Pauwiin sa Probinsya



Maraming mga netizen ang nalungkot sa kwento ng tatay na ito na namamalimos na lamang ng kahit tig-iisang piso dahil mag-isa na lamang umano ito sa buhay matapos na itakwil ng kanyang mga anak.

Sa isang vlog na ibinahagi ng vlogger na si Denso Tambyahero, nakilala nito si tatay Eddy Gabriel na namamalimos lamang sa gilid ng kalsada.

Noong una, ang nais lamang ng vlogger ay matulungan ang matanda kahit man lang sa pagbibigay rito ng pagkain. Inaya niya ito na kumain sa pinakamalapit na fastfood chain doon ngunit, tumanggi rito si tatay Eddy.

Ayon kasi kay tatay Eddy, pangmayaman lamang umano ang naturang mga kainan kaya ang magkaroon ng maipambibili ng bigas ay malaking bagay na para sa kanya.


Sa naturang vlog, napag-alaman ng vlogger na mag-isa na lamang pala umanong naninirahan si tatay Eddy sa may Libingan ng mga Bayani. Ayon sa matanda, ito umano ay matapos siyang pabayaan ng kanyang mga anak na ngayon ay nasa Davao at Cotabato.

“‘Yong mga anak ko sa Davao atsaka sa Cotabato, wala daw silang magawa…

“Iniinom ko nalang ang luha ko po, sir. Pinalaki ko sila, pero ngayon nagpapalimos ako. Pinapabayaan nila ako,” emosyonal pang saad ni tatay Eddy.


Ayon kay tatay Eddy, hindi raw ito ang unang pagkakataon na mayroong nagtangkang tumulong sa kanya. Dati na raw naibahagi ang kanyang kwento sa Facebook, dalawang beses pa nga raw ngunit, wala ring nangyari dahil ayaw raw siyang tulungan ng kanyang mga anak na dahil umano sa mga asawa ng mga ito.



Nang tinanong naman ito kung gusto ba nitong umuwi sa kanyang mga anak sa probinsya, idiniin nito na ayaw niya na umanong pumunta roon dahil, natatakot siya na baka bugbugin na naman siya ng asawa ng kanyang anak.

Minsan na raw kasi siyang nabugbog noon ng asawa ng kanyang anak kaya ngayon ay takot nang pumunta rooon si tatay Eddy. Ani pa nito,

“Gusto ng mga anak ko pero ‘yung mga asawa… mga lalaki, mga adik!”

Ayon kay tatay Eddy, bago mauwi sa panlilimos, dati raw siyang isang magaling na karpintero. Ngunit, dahil umano sa paglabo ng kanyang mga mata ay nahinto na umano siya pagtatrabaho.

Kaya ngayon, sa pamamagitan ng pamamalimos ay iniipon umano ni tatay ang barya-baryang naibibigay sa kanya upang may maipambili ng bigas.


Kaya naman, ganoon na lamang ang pasasalamat ni tatay Eddy sa vlogger na si Denso nang mag-abot ito ng tulong kay tatay na pambili umano nito ng bigas at ng iba pa nitong mga pangangailangan.


Naiiyak pa si tatay habang tinatanggap ang tulong na ito at napatanong pa sa vlogger kung taga-gobyerno ba raw umano ito. Ayon kasi kay tatay Eddy, maliban kay Willie Revillame ay taga-gobyerno lamang daw kasi ang siyang tumutulong sa mga tao. Kaya naman, natawa na lamang ang vlogger dahil sa sinabing ito sa kanya ni tatay Eddy.

Ayon kay Denso, babalikan niya umano ito kapag mayroon umanong ibang mga tao na mayroong mga mabuting kalooban na magbigay ng tulong para kay tatay Eddy. Kaya naman, inalam nito kung saan niya pwedeng puntahan si tatay sakaling makakalap na siya ng tulong para rito.

Panoorin ang buong video dito!


Source: Happening Philippines

No comments:

Post a Comment